Monday, December 30, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Huwebes Enero 2, San Basilio Magno at San Gregorio Nasianseno: Juan 1:19-28


Mabuting Balita: Juan 1:19-28
19 Ito ang pagpapatunay ni Juan nang papuntahin sa kanya ng mga Judio ang ilang mga pari at Levita mula sa Jerusalem para tanungin siya: “Sino ka?” 20 Inako niya di ipinagkaila, inako nga niyang “Hindi ako ang Kristo.” 21 At tinanong nila siya: “Ano ka kung gayon? Si Elias ka ba?” At sinabi niya: “Hindi.” “Ang Propeta ka ba?” Isinagot naman niya: “Hindi” 22 Kaya sinabi nila sa kanya: “Sino ka ba? Para may mai­sagot kami sa mga nagpapunta sa amin.

Ano ba ang masasabi mo tungkol sa ‘yong sarili?” 23 Sumagot siya gaya ng sinabi ni Propeta Isaias: “Tinig ako ng isang sumisigaw sa disyerto: Tuwirin ang daan ng Panginoon.” 24 May mga pinapunta mula sa mga Pariseo. 25 At tinanong nila siya: “Eh, ba’t ka nagbibinyag kung hindi ikaw ang Kristo, ni si Elias, ni ang Propeta?”

26 Sina­got sila ni Juan: “Sa tubig ako nag­bibin­yag ngunit may nakatayo sa piling ninyo na hindi n’yo kilala. 27 Siya ang dumating na kasunod ko pero hindi ako karapat-dapat magkalag ng panali ng kanyang panyapak.” 28 Sa Betaraba nangyari ang mga ito, sa kabilang-ibayo ng Jordan na pinag­bi­binyagan ni Juan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: