Sunday, December 8, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Biyernes Disyembre 13, Santa Lucia, dalaga at martir: Mateo 11:16-19


Mabuting Balita: Mateo 11:16-19
Sinabi ni Jesus sa mga tao 16 Ngayon, kanino ko ikukumpara ang mga tao sa kasalukuyan? Para silang mga batang nakaupo sa mga plasa at nagka­kantahan, at nagrereklamo ang ilan sa kanila: 17 ‘Tinugtog namin ang plauta para sa inyo pero ayaw ninyong sumayaw, at nang uma­wit naman kami ng malungkot na awit, ayaw din nin­yong umiyak!’

18 Ganito rin ang nangyari: Duma­ting muna si Juan na nag-aayuno, at sabi ng mga tao: ‘Inaalihan siya ng demon­yo.’ 19 At saka dumating ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at ang sabi ng mga tao: ‘Laseng­go at mata­kaw, ka­ibigan ng mga publikano at mga makasalanan!’ Gayon pa man, mapatutunayang tama ang karunu­ngan ng Diyos sa mga gawa nito.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: