Tuesday, December 31, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Biyernes Enero 3, Kabanal-banalang Pangalan ni Jesus: Juan 1:29-34


Mabuting Balita: Juan 1:29-34
29 Kinabukasan, nakita I Juan Bautista si Jesus na papalapit sa kanya kaya sinabi niya: “Hayan ang Kordero ng Diyos, sa kanya napapawi ang sala ng mundo. 30 Ito ang tinutukoy ko nang sinabi kong ‘Isang lalaki and kasunod kong dumarating, nauna na siya sa akin pagkat bago ako’y siya na.’ 31 Wala nga akong alam sa kanya pero upang mahayag siya sa Israel ang dahilan kaya dumating akong nagbi­binyag sa tubig.”

32 At nagpatunay si Juan sa pagsa­sabing “Nakita ko ang Espiritu na bumababa mula sa langit gaya ng isang kalapati, at namalagi sa kanya. 33 Wala nga akong alam sa kanya pero ang nagpadala sa akin na magbinyag sa tubig ang siya ring nagsabi sa akin: ‘Kung kanino mo makitang bumababa ang Espiritu at namamalagi sa kanya, ito ang magbibinyag sa Espiritu Santo!” 34 Nakita ko at pinatutunayan ko na siya nga ang hinirang Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: