Monday, November 18, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 21, Huwebes: Pagdadala kay Maria sa Templo : Lucas 19:41-44


Mabuting Balita: Lucas 19:41-44
41 Nang malapit na siya at kita na ang lunsod, iniyakan ito ni Jesus: 42 “Kung nalalaman mo lamang sana sa araw na ito ang daan sa kapaya­paan! Ngunit ngayo’y hindi mo ito nakikita. 43 Sasapit sa iyo ang mga araw na magka­kampo sa pa­ligid mo ang iyong mga kaaway, ku­kubkubin ka at sisikilin sa lahat ng da­ko. 44 Igu­guho ka nila sa iyong mga anak, at walang iiwang magkapatong na bato sa iyo. Sapagkat hindi mo na­laman ang panahon ni ang pagdalaw ng iyong Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: