Sunday, November 17, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 20, Miyerkules: Ika-33 na Linggo ng Taon : Lucas 19:11-28

Mabuting Balita: Lucas 19:11-28
• 11 Malapit na ngayon si Jesus sa Jerusalem at akala ng mga taong kasama niya’y agad na ipakikita ang kaharian ng Diyos. Kaya sa kanilang pakikinig ay isa pang talinhaga ang inilahad sa kanila ni Jesus. 12 Sinabi niya: “May isang maharlikang tao na pu­munta sa malayong lupain para mahirang na hari at saka siya babalik. 13  Tinawag niya ang sampu niyang katulong at binigyan sila ng tig-iisang bar­yang ginto at sinabi sa kanila: ‘Ipagnegosyo ninyo ito hanggang sa aking pag­balik.’

14 Namumuhi sa kanya ang kanyang mga kaba­ba­yan kaya nagsugo sila ng ilang kinatawan para sa­bihin: ‘Ayaw na­ming maghari sa amin ang taong ito.’ 15 Gayon pa ma’y bumalik siya pag­kahirang bilang hari. Ipinatawag niya ang mga katulong na bi­nigyan niya ng bar­yang ginto para malaman kung mag­kano ang tinubo ng bawat isa. 16 Humarap ang una at sinabi: ‘Panginoon, tumubo ng sampu pa ang barya mong ginto.’

17 Sumagot siya: ‘Magaling, mabu­ting utusan; dahil naging matapat ka sa ma­liit na bagay, mapamamahala kita sa sam­pung lunsod.’ 18 Dumating ang ika­lawa at sinabi: ‘Panginoon, tumubo ng lima pa ang iyong baryang ginto.’ 19 Si­na­bi nito sa kanya: ‘Mamamahala ka sa limang lun­sod.’

20 Dumating ang isa pa at sinabi: ‘Pangi­noon, narito ang iyong bar­yang ginto. Binalot ko ito sa isang panyo at itinago. 21 Natatakot ako sa iyo dahil mapaghanap kang tao, kinu­kuha mo ang di mo idineposito at inaani ang di mo inihasik.’

22 Sinabi sa kanya ng panginoon: ‘Masamang utusan, sa sarili mong mga salita kita hahatulan. Alam mo palang mapaghanap ako, na kinu­ku­ha ko ang di ko idineposito at ina­ani ang di ko inihasik, 23 bakit di mo idi­neposito sa bang­ko ang aking bar­yang ginto? At maku­kubra ko sana iyon pati na ang interes pagbabalik ko.’ 24 At sinabi niya sa mga naroon: ‘Kunin sa kanya ang baryang ginto at ibigay sa may sampu.’ 25 Sumagot sila: ‘E, Panginoon, may sampung baryang ginto na siya.’

26 ‘Sinasabi ko sa inyo: bibigyan ang meron pero aalisan ang wala, kahit na ang meron siya ay kukunin sa kanya. 27 Ngunit dalhin ninyo rito ang aking mga kaaway na ayaw akong maghari sa kanila at pata­yin sa harap ko’.”

28 Pagkasabi nito, umuna si Jesus sa kanila pa-Jerusalem.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: