Thursday, November 28, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Martes Disyembre 3, San Francisco Javier, pari: Lucas 10:21-24


Mabuting Balita: Lucas 10:21-24
21 Nang sandaling iyo’y nag-umapaw sa galak sa Espiritu Santo si Jesus at sinabi niya: “Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil inilihim  mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at ipinamulat mo naman sa maliliit. Oo, Ama, naging kalugud-lugod ito sa iyo. 22 Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakaka­kilala kung sino ang Anak kundi ang Ama, at kung sino ang Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing pagbunyagan ng Anak.”

23 Pagkatapos ay bumaling si Jesus sa mga alagad at sinabi sa kanila nang sari­linan: “Mapalad ang mga matang nakaka­kita ng inyong nakikita. 24 Sinasabi ko sa inyo na maraming propeta at hari ang nagnais makita ang inyong nakikita pero hindi nila nakita, at ma­rinig ang inyong naririnig pero hindi nila narinig.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: