Mabuting
Balita: Mateo 8:5-11
5 Pagdating ni
Jesus sa Capernaum lumapit sa kanya ang isang kapitan at nakiusap sa kanya: 6 “Ginoo, nakahiga sa bahay ang
aking katulong. Lumpo siya at sobra na ang paghihirap…” 7 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Paroroon ako at pagagalingin ko
siya.”
8 Sumagot ang
kapitan: “Hindi ako karapat-dapat para tumuloy ka sa bahay ko. Mag-utos ka lang
at gagaling na ang aking katulong. 9 May
nag-uutos sa akin at may inuutusan din ako, at pag sinabi ko sa isa sa mga
kawal na nasa ilalim ko: ‘Pumaroon ka,’ pumaparoon siya. At sinasabi ko naman
sa isa pa: ‘Pumarito ka,’ at pumaparito siya; at sa aking katulong: ‘Gawin mo
ito,’ at ginagawa niya ito.”
10 Nang marinig
ito ni Jesus, humanga siya at sinabi sa mga sumusunod sa kanya: “Sinasabi ko
sa inyo, wala pa akong natagpuang ganitong paniniwala sa Israel. 11 Sinasabi ko sa inyo: marami ang
darating mula sa silangan at sa kanluran para makisalo kina Abraham, Isaac at
Jacob sa kaharian ng Langit.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment