Wednesday, November 27, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Linggo, Unang Linggo ng Adbiyento: Mateo 24:37-44


Mabuting Balita: Mateo  24:37-44
Noong panahong iyon sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad 37 Katulad ng nangyari sa panahon ni Noe, gayundin sa pagdating ng Anak ng Tao. 38 Noong mga araw na iyon bago dumating ang Baha, kuma­kain at umi­inom ang mga tao at nag-aasawa, hang­gang sa araw na puma­sok si Noe sa da­ong.

39 Ngunit wala silang alam hanggang dumating ang baha at tina­ngay silang lahat. Ganoon din sa pag­dating ng Anak ng Tao. 40 Sa dalawang lalaking nasa bukid, kukunin ang isa at iiwan ang isa. 41 Sa dalawang babaeng gumigiling ng trigo, kukunin ang isa at iiwan ang isa.

42 Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw ng pag­dating ng inyong Panginoon. 43 Isipin ninyo ito: kung alam ng may-ari ng bahay kung anong oras ng gabi dara­ting ang magnanakaw, magbabantay siya at hindi niya pababayaang pasu­kin ang bahay. 44 Kaya maging handa kayo sapagkat sa oras na hindi ninyo inaasahan darating ang Anak ng Tao.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: