Friday, November 29, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Huwebes Disyembre 5, Unang Linggo ng Adbiyento: Mateo 7:21, 24-27


Mabuting Balita: Mateo  7:21, 24-27
21 Sinabi ni Jesus sa mga alagad hindi lahat ng nagsasabi sa akin ng ‘Panginoon! Panginoon!’ ay papasok sa kaharian ng Langit kundi ang nagsa­sagawa sa kalooban ng Diyos ang siyang papasok sa kaharian ng Langit.

24 Kaya kung may nakikinig sa mga salita ko at sumusunod dito, matutulad siya sa isang matalinong nagtayo ng bahay sa batuhan. 25 Bumagyo at bumaha ang ilog at humangin nang malakas, ngunit hindi nagiba ang bahay sapagkat itinayo ito sa batuhan. 26 At ang sinumang nakakarinig sa aking mga salita at hindi nagsasagawa nito, matutulad siya sa isang hangal na nag­tayo ng bahay sa buhangin. 27 Bu­mag­yo at bumaha ang ilog at huma­ngin nang malakas, at bumagsak ang bahay at kay laking kapahamakan!

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: