Friday, November 29, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Biyernes Disyembre 6, Unang Linggo ng Adbiyento: Mateo 9:27-31


Mabuting Balita: Mateo  9:27-31
27 Pag-alis ni Jesus sa lugar na iyon, sumunod sa kanya ang dalawang bulag na lalaki na sumisigaw: “Anak ni David, tulungan mo kami!” 28 Pagda­ting niya sa bahay, inabutan siya ng mga bulag at sinabi ni Jesus sa kanila: “Naniniwala ba kayo na may kapang­ya­rihan ako para gawin ang gusto ninyong mangyari?” At su­magot sila: “Oo, Ginoo!”

29 Hinipo ni Jesus ang kanilang mga mata at sinabi: “Mangyari sa inyo ang inyong paniwala.” 30 At nabuksan ang kanilang mga mata. Mahigpit naman silang tinagubilinan ni Jesus: “Mag-­ingat kayo at huwag sabihin ito kani­no man.” 31 Ngunit pagkaalis nila, ipinahayag nila siya sa buong bayan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: