Friday, October 4, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 9, Miyerkules: Ika-27 Linggo ng Taon: Lucas 11:1-4


Mabuting Balita: Lucas 11:1-4
1 Isang araw, nananalangin si Jesus sa isang lugar at pagka­tapos niya’y sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad: “Panginoon, turu­an mo kaming manalangin kung pa­anong tinu­ruan ni Juan ang kanyang mga alagad.” 2 At sinabi ni Jesus sa kanila: “Kung mana­nalangin kayo, sa­bihin nin­yo:
Ama, sambahin ang ngalan mo, dumating ang kaharian mo, 3 bigyan mo kami araw-araw ng pagkaing kailangang-kailangan namin, 4 patawarin mo kami sa aming mga sala; tingnan mo’t pinatatawad din namin ang lahat ng may utang sa amin, at huwag mo kaming dalhin sa tukso.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: