Mabuting
Balita: Lucas 10:25-37
May tumindig na
isang guro ng Batas para subukin si Jesus. Sinabi niya: “Guro, ano ang gagawin
ko para makamit ang buhay na walang hanggan?” 26 Sumagot sa kanya si
Jesus: “Ano ba ang nasusulat sa Batas, at paano mo ito naiintindihan?” 27 Sumagot
ang guro ng Batas: “Mamahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso at
nang buo mong kaluluwa at nang buo mong lakas at nang buo mong pag-iisip. At
nasusulat din naman: Mamahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”
28 Noo’y
sinabi ni Jesus sa kanya: “Tama ang sagot mo. Gawin mo ito at mabubuhay ka.” 29 Pero
gustong mangatwiran ng guro ng Batas kaya sinabi niya kay Jesus: “At sino
naman ang aking kapwa?” 30 Sinagot siya ni Jesus: “May isang taong bumaba
mula sa Jerusalem papunta sa Jerico at nahulog siya sa kamay ng mga tulisan.
Hinubaran siya ng mga ito at binugbog at saka iniwang halos patay na. 31 Nagkataon
namang may isang paring pababa rin sa daang iyon. Pagkakita sa kanya, lumihis
ito ng daan. 32 Gayundin naman, may isang Levitang napadaan sa lugar na
iyon; nang makita siya’y lumihis din ito ng daan.
33 Pero
may isang Samaritano namang naglalakbay na napadaan sa kinaroroonan niya;
pagkakita nito sa kanya, naawa ito sa kanya. 34 Kayat lumapit ito, binuhusan
ng langis at alak ang kanyang mga sugat at binendahan. Isinakay nito ang tao sa
sarili niyang hayop at dinala sa isang bahay-panuluyan at inalagaan. 35 Kinabukasan,
dumukot ang Samaritano ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng
bahay-panuluyan at sinabi: ‘Alagaan mo siya; sasagutin ko ang anumang karagdagang
gastos pagbalik ko’.”
36 At
sinabi ni Jesus: “Sa palagay mo, sino sa tatlong ito ang naging kapwa sa taong
nahulog sa kamay ng mga tuli-san?” 37 Sagot ng guro: “Ang nagdalang-habag
sa kanya.” Kaya sinabi ni Jesus sa kanya: “Humayo ka’t ganoon din ang gawin.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment