Thursday, October 24, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 31, Huwebes: Ika-30 na Linggo ng Taon: Lucas 13:31-35


Mabuting Balita: Lucas 13:31-35
31 Nang sandaling iyo’y dumating ang ilang Pariseo at binalaan siya: “Umalis ka rito at pumunta sa ibang lugar. Gusto kang ipapa­tay ni Herodes.” 32 Sinabi naman ni Jesus: “Puntahan ninyo ang musang na ’yon at sabihin sa kanya: ‘Ngayon at bukas ay nagpapalayas ako ng mga demonyo at nag­pa­pagaling at nasa ikatlong araw ang katapusan ko.’ 33 Subalit dapat akong maglakad nga­yon, bukas at sa susunod na araw sa­pagkat hindi bagay na mamatay sa labas ng Jerusalem ang isang propeta.

34 Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga sinugo sa iyo. Gaano kadalas kong ginustong tipu­nin ang iyong mga anak gaya ng pagyupyop ng inahin sa kanyang mga sisiw pero tumanggi ka nga. 35 Ngayon, iiwanan ang inyong Bahay. Sinasabi ko nga sa inyo na hindi na ninyo ako maki­kita hanggang di su­ma­sapit ang panahon na sabihin ninyo: Ma­palad ang duma­rating sa nga­lan ng Pa­ngi­noon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: