Thursday, October 24, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 29, Martes: Ika-30 na Linggo ng Taon: Lucas 13:18-21


Mabuting Balita: Lucas 13:18-21
18 Sinabi pa ni Jesus: “Ano ang katulad ng kaharian ng Diyos? Sa ano ito maiku­kumpara? 19 Tulad ito sa buto ng mustasa na kinuha ng isang tao at itinanim sa kanyang hardin: lumaki, naging parang puno at sumi­silong sa kanyang mga sanga ang mga ibon ng langit.”

20 At sinabi niya uli: “Sa ano ko iku­kumpara ang kaharian ng Diyos? 21 Ka­tulad ito ng lebadura na kinuha ng isang babae at ibinaon sa tatlong takal ng harina hanggang umalsa ang buong masa.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: