Monday, October 21, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 26, Sabado: Ika-29 na Linggo ng Taon: Lucas 13:1-9


Mabuting Balita: Lucas 13:1-9
• 1 Dumating naman ang ilang tao na nagbalita kay Jesus ng  nangyari sa Templo. Ipinapatay nga ni Pilato ang mga taga-Galilea at nahalo ang kanilang dugo sa mga handog nila. 2 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Sa akala ba ninyo’y mas makasalanan ang mga taga-Galileang iyon kaysa lahat ng mga taga-Galilea dahil sila ang nagdusa? 3 Hindi. At sinasabi ko sa inyo: kung hindi kayo magbabago, mapapahamak din kayong lahat.

4 Gayon din naman sa namatay na la­bing­walong taong nabagsakan ng tore sa Siloe, sa akala ba ninyo’y mas may utang sila sa Diyos kaysa lahat ng na­ninirahan sa Jerusalem? 5 Sinasabi ko: hindi, pero kung hindi kayo magba­bago, mapapahamak din kayong lahat.”

6 At sinabi ni Jesus ang talinhagang ito: “May taong may isang puno ng igos sa kanyang ubasan. At pumunta siya para mag­hanap ng mga bunga pero wala siyang nakita. 7 Kaya sinabi niya sa nag-aalaga ng ubasan: ‘Tatlong taon na akong pumaparito sa pag­hahanap ng mga bunga sa punong-igos na iyan at wala akong nakita. Putulin mo iyan at pampasikip lang sa lupa.’ 8 Ngunit su­ma­got sa kanya ang tauhan: ‘Ginoo, pabayaan mo na siya ngayong taon. Maghuhukay ako sa paligid nito at lalagyan ng pataba. 9 Baka sakaling ma­munga siya ngunit kung hindi’y saka mo siya putulin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: