Tuesday, October 22, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Linggo October 27, ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 18:9-14



Mabuting Balita: Lucas 18:9-14
9 Sinabi ni Jesus ang talinha­gang ito tungkol sa ilang taong kumbinsido na mabuti sila at minamata naman ang iba: 10  “Dalawang tao ang umakyat sa Templo para mana­langin: Pariseo ang isa at publikano naman ang isa pa. 11 Nakata­yong na­na­na­la­nging mag-isa ang Pari­seo. Si­nabi niya: ‘O Diyos, salamat at hindi ako gaya ng ibang mga tao – mga magnanakaw, mandaraya, nakikiapid, o gaya ng ko­lek­tor ng buwis na iyan. 12 Da­­lawang beses akong nag-aayuno isang linggo, nagbibigay ako ng ikapu sa lahat kong ari-arian.’

13 Nasa likuran naman ang kolektor ng buwis at hindi man lang makatingala sa langit. Dinadagukan niya ang dibdib sa pagsasabing ‘O Diyos, kaawaan mo ako na isang makasala­nan.’
14 Sinasabi ko sa inyo na ito ang umu­wing nasa grasya ng Diyos ngunit hindi ang isa. Sa­pagkat ibababa ang la­hat ng nagpapakataas at itataas naman ang nagpapakababa.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: