Wednesday, March 13, 2019

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Marso 17, Ikalawang Linggo ng Kuwaresma: Lucas 9:28b-36

Mabuting Balita: Lucas 9:28b-36
28  Isinama ni Jesus sina Pedro, Juan at Jaime at umahon sa bundok para manalangin. 29 At ha­bang siya’y nananalangin, nagbago ang anyo ng kanyang mukha at puting-puting nag­ningning ang kanyang damit. 30 May dalawang lalaki ring nakikipag-usap sa kanya, sina Moises at Elias.

31 Napakita sila sa kaluwalhatian at pi­nag-uusapan nila ang paglisan ni Jesus na malapit nang maganap sa Je­ru­salem. 32 Antok na antok naman si Pedro at ang kanyang mga kasama pero pagkagising nila, nakita nila ang kanyang kaluwalhatian at ang dalawang lalaking nakata­yong kasama niya.

33 Nang papalayo na ang mga iyon kay Jesus, sinabi ni Pedro sa kanya: “Guro, mabuti at narito tayo; gagawa kami ng tatlong kubol, isa sa iyo, isa kay Moises at isa kay Elias.” Hindi niya alam ang kanyang sinasabi. 34 Nagsasa­lita pa siya nang may ulap na lumilim sa kanila; at natakot sila pagpasok nila sa ulap. 35 At narinig mula sa ulap ang salitang ito: “Ito ang aking Anak, ang Hinirang; pakinggan ninyo siya.”

36 Pagkasalita ng tinig, nag-iisang na­kita si Jesus. Nang mga araw na iyon, sinarili nila ito at walang sinabi kani­nu­man tungkol sa nakita nila.



No comments: