Mabuting Balita: Lucas
6:39-45
39 Sinabi
ni Jesus sa kanyang mga alagad ang isang talinhaga: “Puwede nga kayang akayin
ng isang bulag ang isa pang bulag? Di ba’t kapwa sila mahuhulog sa kanal? 40 Hindi
higit sa kanyang guro ang alagad. Magiging katulad ng kanyang guro ang ganap na
alagad.
41 Bakit
mo tinitingnan ang puwing sa mata ng iyong kapatid? At di mo pansin ang troso
sa iyong mata. 42 Paano
mo masasabi sa iyong kapatid: ‘Kapatid, pahintulutan mong alisin ko ang puwing
sa mata mo,’ gayong hindi mo nga makita ang troso sa mata mo? Mapagkunwari!
Alisin mo muna ang troso sa mata mo, at saka ka makakakitang mabuti para alisin
ang puwing sa mata ng kapatid mo.
43 Hindi
makapamumunga ng masama ang mabuting puno, at ang masamang puno nama’y hindi
makapamumunga ng mabuti. 44 Nakikilala ang bawat puno sa bunga nito.
Hindi makapipitas ng igos mula sa tinikan ni makaaani ng ubas mula sa
dawagan. 45 Naglalabas
ang taong mabuti ng mabuting bagay mula sa yaman ng kabutihan sa kanyang puso;
ang masama nama’y naglalabas ng masamang bagay mula sa kanyang kasamaan. At
sinasabi nga ng bibig ang umaapaw mula sa puso.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon
+ + + + + + +
Repleksyon:
May
isang babae na nakakita ng isang guapong lalaki. Nang mapansin ng lalaki na
tinitingnan siya ng babae ay tumingin din siya sa babae. Nag panagpo ang kanilang
mga mata at ang babae ay kaagad agad na umibig sa lalake. Pagkalipas ng ilang
lingo sila ay nag pakasal ngunit pagkatapos ng ilang buwan ay unti-unting
lumabas ang hindi mabuting pag-uugali ng lalake.
Madali ka bang
mabighani ng panlabas na kaanyuan? Halimbawa ay may nakita ka na magandang
babae o guapong lalake at ika’y kaagad na humanga sa kanya. Kaya ang nangyari
ay ibinigay mo kaagad ang iyong puso sa kanya. Ang panlabas na kaanyuan
kadalasan ay hindi totoo. Bakit? Dahil hindi natin lubos na makikilala ang tao
sa pamamagitan lamang ng kanyang anyong panlabas.
Ang anyong
panlabas ay isang pakitang tao lamang. Ang panlabas na anyo ay hindi ang tunay
na kulay o ugali ng isang tao. Dahil ang tunay na kulay at ugali ay nasa puso
at ito ay atin lamang malalaman pag mas nakilala na natin ng ang isang tao.
Sa ating
modernong panahon ngayon ay maraming kabataan ang akaagad-agad ng nasisilo ng
panlabas na anyo. Ito ang nagiging instrumento para mabighani sila sa kanilang
magiging asawa. Pero, pag sila ay natapos ng ikasal ang totoong at kadalasan na
masamang pag uugali ipinapakita na nya.
Ang ganitong
sitwasyon ay angkop na angkop din sa sitwasyon ng pakikipag kaibigan. Dapat
hindi po tayo nakikipag kaibigan sa isang tao dahil siya ay mayaman o maykapangyarihan.
Kailagan tayo ay nakikipagkaibigan dahil mabuti ang isang tao. Hindi na bale
kung hindi siya mayaman o makapangyarihan basta ang importante ay ang
nangagaling sa kanyang puso ay pawang kabutihan lamang.
Sa ating pong
unang pagbasa ayon sa aklat ni Sirac ay ito ang sinasabi: Sa sinasabi naman ng
tao nakikilala ang kanyang damdamin (Sirac 27:6). At sa ating mabuting balita
ay ito ang sabi ni Jesus: “Sinasabi nga ng bibig ang umaapaw mula sa puso
(Lucas 6:45).”
Ano
po ang dapat nating gawin para hindi tayo mahulog sa patibong ng panlabas na
kaanyuan? Dapat po ay lubusan muna nating makilala ang isang tao sa pamamagitan
ng pakikipag usap sa kanya. At sa pamamagitan ng masusing pakikinig sa kanyang
mga sinasabi.
Bago natin siya pagkatiwalaan. Dahil ang kanyang mga sinasabi ay nagmumula sa kanyang puso at ang nag mumula sa kanyang puso ang sukatan ng tunay nap ag-uugali ng isang tao. – Marino J. Dasmarinas
Bago natin siya pagkatiwalaan. Dahil ang kanyang mga sinasabi ay nagmumula sa kanyang puso at ang nag mumula sa kanyang puso ang sukatan ng tunay nap ag-uugali ng isang tao. – Marino J. Dasmarinas
No comments:
Post a Comment