Mabuting Balita: Mateo 22:1-14
1 Muling nagsalita
si Jesus sa pamamagitan ng mga talinhaga: 2 “Tungkol sa nangyayari sa kaharian
ng Langit ang kuwentong ito: May isang haring naghanda sa kasal ng kanyang anak
na lalaki. 3 Ipinatawag niya sa mga katulong ang mga imbitado sa kasalan ngunit
ayaw nilang dumalo. 4 Muli niyang pinapunta ang iba pang mga katulong para
sabihin sa mga inanyayahan sa kasalan: ‘Naghanda ako ng pagkain, nagpatay ng
mga toro at mga pinatabang hayop; handa na ang lahat kaya pumarito na kayo sa
kasalan.’ 5 Ngunit hindi nila pinansin ang paanyaya, sa halip ay may pumunta sa
kanyang taniman, at sa kanyang negosyo naman ang isa pa. 6 Sinunggaban naman ng
iba pa ang mga katulong ng hari, nilibak at pinatay. 7 Lubhang nagalit ang hari kayat ipinadala
niya ang kanyang hukbo para puksain ang mga mamamatay-tao at sunugin ang
lunsod. 8 At sinabi niya sa kanyang mga katulong: ‘Handa na ang kasalan ngunit
hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan. 9 Pumunta kayo ngayon sa dulo ng
lunsod at anyayahan sa kasalan ang bawat makita ninyo.’ 10 Kaya agad na lumabas
sa mga daan ang mga katulong at tinipon ang lahat ng makita, masama at mabuti,
at napuno ang kasalan ng mga nasa hapag. 11 Pagkatapos ay dumating ang hari
para tingnan kung sino ang mga nasa hapag at napansin niya ang isang lalaking
hindi nakadamit pampiyesta. 12 Kaya sinabi niya sa kanya: ‘Kaibigan, paano ka
nakapasok nang walang damit pangkasal?’ Ngunit hindi umimik ang tao. 13 Kaya
sinabi ng hari sa kanyang mga katulong: ‘Igapos ang kanyang mga kamay at paa,
at itapon sa dilim, kung saan may iyakan at pagngangalit ng mga ngipin.’• 14
Marami ngang talaga ang tinawag pero kaunti ang pinili.”
No comments:
Post a Comment