Tuesday, September 15, 2015

Repleksyon para sa Setyembre 15, Martes Mahal na Birheng Nagdadalamhati; Juan 19:25-27

Mabuting Balita: Juan 19:25-27
25 Nangakatayo naman sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae ng kanyang ina, si Maria ni Cleofas at si Maria Magdalena. 26 Kaya pagkakita ni Jesus sa ina at sa alagad na mahal niya na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa Ina: “Babae, hayan ang anak mo!” 27 pagkatapos ay sinabi naman niya sa alagad: “Hayan ang iyong ina.” At mula sa oras na iyon, tinanggap siya ng alagad sa kanyang tahanan.
+ + + + + + +
Repleksyon:
Nakakaantig ng puso para kay Maria na makita na ang kanyang minamahal na anak ay  unti-unti ng nawawalan ng buhay habang naka bayubay sa krus. Napakasakit din para kay Maria na marinig mula sa kanyang anak na siya ay ipinakakatiwala na sa pangangalaga ng kanyang alagad na si Juan.

Ang paghihiwalay natin sa ating mahal sa buhay  ay palaging masakit. Pero ganito talaga ang buhay. Lahat tayo ay dadaan sa ganitong pasakit sa ating buhay hindi lang natin alam kung kalian. Walang hindi makakaranas sa ganitong proceso ng kalungkutan sa buhay.

Sa gitna ng kanyang madalamhating pagkakahiwalay  sa kanyang minamahal na anak. Si Maria inihabilin at ipinagkatiwa ni Jesus sa kanyang tapat at minamahal na alagad na si Juan. Dito po natin makikita kung gaano  kamahal ni Jesus ang kanyang inang si Maria. At ganon din ang pagmamahal ni Maria sa kanyang anak na si Jesus dahil hindi iniwan ni Maria si Jesus hangang sa huling hininga ng kanyang buhay.

Iniimbitahan din po tayo ng mabuting balita na mag reflect din. Kumusta ba tayo bilang mga anak sa ating magulang? At kumusta rin ba tayo bilang mga magulang sa ating mga anak? – Marino J. Dasmarinas

No comments: