Friday, September 11, 2015

Repleksyon para sa Setyembre 12, Sabado sa Ika-23 na Linggo sa Karaniwang Panahon; Lucas 6:43-49

Mabuting Balita: Lucas 6:43-49
Sinabi ni Jesus sa mga alagad, 43 Hindi makapamumunga ng masama ang mabuting puno, at ang masamang puno nama’y hindi maka¬pa¬mumu¬nga ng mabuti. 44 Nakikilala ang bawat puno sa bunga nito. Hindi makapi-pitas ng igos mula sa tinikan ni maka¬aani ng ubas mula sa dawagan. 45 Naglalabas ang taong mabuti ng mabuting bagay mula sa yaman ng kabutihan sa kanyang puso; ang masama nama’y naglalabas ng masamang bagay mula sa kanyang kasamaan. At sinasabi nga ng bibig ang uma¬apaw mula sa puso.

 46 Bakit pa ninyo ako tinatawag na ‘Panginoon, Panginoon,’ gayong hindi naman ninyo tinutupad ang sinasabi ko? 47 Ilalarawan ko sa inyo ang lumalapit sa akin at nakikinig sa aking mga salita at tumutupad nito. 48 May isang taong nagtatayo ng bahay, na humukay nang malalim at sa batuhan inilagay ang mga pun¬dasyon. Pagdating ng baha, hinampas ng agos ang bahay na iyon pero wala itong lakas para yanigin iyon sapagkat mabuti ang pagkakatatag niyon. 49 At kung may nakaririnig ngunit di naman nagsasagawa, matutulad siya sa nagtatayo ng bahay sa ibabaw ng lupa na wala namang pundasyon. Hinam¬pas ito ng agos at kaagad bu-magsak. Anong laki ng pagkawasak ng bahay na iyon!”
+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano po ang mangyayari pag ang isang bata ay tinutuan ng mabuting paguugali at kung itong mabuting pag uugali ay isinabuhay rin ng mga magulang? Ang bata ay lumalaking mabuti at may pagmamahal sa Diyos. Ito po ang palagiang resulta pag ang bata ay hindi pinababayaan ng kanyang mga magulang.

Pag ang bata naman ay hindi tinuruan ng mabuting asal ang at kanyang mga magulang ay hindi nagsasabuhay nito. Maasahan natin na ang bata ay lalaking hindi mabuti ang paguugali. Ito po ay sa dahilan na siya ay hindi tinuruan tungkol dito at lalong hindi  rin niya ito nakita sa kanyang mga magulang.

Sa atin pong mabuting balita ay sinabi ni Jesus sa mga alagad, 43 Hindi makapamumunga ng masama ang mabuting puno, at ang masamang puno nama’y hindi makapamumunga ng mabuti. 44 Nakikilala ang bawat puno sa bunga nito (Lucas 6:43-44). Ang mabuting puno ay ang mabuting magulang at ang mabuti at mabait na mga anak ang siya nilang bunga.


Sinasabi po sa atin ni Jesus na anumang kabutihan ang itinuturo at ituturo pa sa ating mga anak ay kanilang isasabuhay. At itong mga kabutihang ito ay siyang magiging matatag at matibay pundasyon ng kanilang mga buhay habang sila ay lumalaki

Marami po sa makabagong magulang ngayon ay palaging abala sa kanilang mga trabaho. Wala na silang panahon na turuan ang kanilang mga anak tungkol sa mabuting pag-uugali at magmamahal sa Diyos. At ang dahilan nito ay ang kanilang mga pabayang mga magulang.

Tinuturuan mo parin ba ang iyong mga anak tungkol sa mabuting pag-uugali at pagmamahal sa Diyos? Isinasabuhay mo rin ba ito? – Marino J. Dasmarinas 

No comments: