Ang Aking Repleksyon:
Ang ating pananampalataya sa Diyos at hindi pare pareho, mayroong napakalalim o napakatatag na sila ay hindi bumibitaw sa Diyos kahit na ano mang pagsubok ang kanilang hinaharap sa buhay.
Meron di namang na ang kanilang pananampalataya ay base lamang sa kanilang nakikita. Gusto nila na may Makita muna silang ebedensya bago sila sumanpalataya.
Pero ang tunay na malalim na pananampalataya ay ay hindi nakabase sa kung ano ang ating nakikita. Ito ay naka base sa hindi natin nakikita pero tayo parin ay nanampalataya. Yung opisyal ng Hari ay meron nitong malalim na pananampalataya sapagkat sya ay naniwala sa Sinabi ni Jesus na gagaling ang kanyang anak.
Sana tayong lahat magkaroon ng ganito kalalim na pananampalataya, patuloy tayong sumampalataya at maniwala na ibibigay din sa atin ng Diyos ang ating mga kahiligan para sa kanya kahit ito ay hindi pa natin nakikita sa ngayon.
No comments:
Post a Comment