Monday, October 13, 2025

Reflection for Friday October 17 Memorial of Saint Ignatius of Antioch, Bishop and Martyr: Luke 12:1-7


Gospel: Luke 12:1-7
At that time: So many people were crowding together that they were trampling one another underfoot. Jesus began to speak, first to his disciples, “Beware of the leaven–that is, the hypocrisy–of the Pharisees.

“There is nothing concealed that will not be revealed, nor secret that will not be known. Therefore whatever you have said in the darkness will be heard in the light, and what you have whispered behind closed doors will be proclaimed on the housetops. 

I tell you, my friends, do not be afraid of those who kill the body but after that can do no more. I shall show you whom to fear. Be afraid of the one who after killing has the power to cast into Gehenna; yes, I tell you, be afraid of that one. Are not five sparrows sold for two small coins?

Yet not one of them has escaped the notice of God. Even the hairs of your head have all been counted. Do not be afraid. You are worth more than many sparrows.”

+ + + + + + +
Reflection: 
Have we ever openly voiced our opinion about something that is clearly wrong? For example, when we notice something that isn’t right within our family or in our church community—what do we normally do? Do we simply stay silent, as if we see nothing and hear nothing, because we’re afraid that we might be misunderstood or rebuked?

The best course of action for us in such a situation is to do something that will help resolve the problem. Keeping silent and pretending to see and hear nothing is never an option for followers of Jesus. We are called to act without fear and to do what is right, good, and pleasing to God.

As followers of Jesus, we must make sure that we remain relevant and involved in the life of our faith communities. We are meant to be catalysts of peace, builders of bridges, and instruments of reconciliation. This is what it truly means to follow Jesus: to courageously step into situations where we can bring light, truth, and harmony.

But to be effective, we must do this with calmness, humility, and love. We should not throw our weight around or bully others to get our way. Instead, we are to reflect the gentle yet powerful presence of Jesus in every word we speak and every action we take. For how can we become His instruments of healing and reconciliation if we act like bullies or dictators?

Let us be courageous yet gentle, bold yet humble, firm yet loving—just like Jesus.

Are we willing to step out of our silence and become God’s voice of truth and peace in our homes, communities, and the world around us? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Biyernes Oktubre 17 Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia Obispo at martir: Lucas 12:1-7


Mabuting Balita: Lucas 12:1-7
Noong panahong iyon, samantalang dumaragsa ang libu-libong tao, anupa't nagkakatapakan sila, nagsalita muna si Jesus sa kanyang mga alagad, "Mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo-- ito'y ang pagpapaimbabaw. Walang natatago na di malalantad, at walang nalilihim na di mabubunyag. Anumang sabihin ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at anumang ibulong ninyo sa mga silid ay ipagsisigawan."

 "Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag ninyong katakutan ang mga pumapatay ng katawan, at pagkatapos ay wala nang magagawa pa. Sasabihin ko sa inyo kung ano ang dapat ninyong katakutan: katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay ay may kapangyarihan pang magbulid sa impyerno.

Sinasabi ko sa inyo, ang Diyos ang dapat ninyong katakutan! "Hindi ba ipinagbibili sa halagang dalawang pera lamang ang limang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi pinababayaan ng Diyos. Maging ang buhok ninyo'y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa mga maya."

+ + + + + + +
Repleksyon:
Naranasan na ba nating ipahayag nang hayagan ang ating saloobin tungkol sa isang bagay na mali? Halimbawa, kapag napansin natin na may hindi tama sa loob ng ating pamilya o sa ating simbahan—ano ba ang karaniwan nating ginagawa? Tinatanggap na lamang ba natin ito at nananatiling tahimik, na para bang wala tayong nakikita o naririnig, dahil sa takot na tayo ay mapagalitan o hindi maunawaan?

Ang pinakamainam na hakbang na dapat nating gawin sa ganitong sitwasyon ay ang kumilos sa paraang makatutulong sa paglutas ng problema. Ang manahimik at magbulag-bulagan ay kailanman hindi opsyon para sa mga tagasunod ni Jesus. Tayo ay tinatawag upang kumilos nang may tapang at gawin ang nararapat, mabuti, at kalugud-lugod sa Diyos.

Bilang mga tagasunod ni Jesus, dapat nating tiyakin na tayo ay laging may pakialam at nakikibahagi sa buhay ng ating pananampalataya. Tayo ay tinawag upang maging kasangkapan ng kapayapaan, tagapagbuo ng tulay ng pagkakaunawaan, at daluyan ng pagkakasundo at kagalingan. Ito ang tunay na kahulugan ng pagsunod kay Jesus—ang buong tapang na pumasok sa mga sitwasyon kung saan maaari tayong maging ilaw, katotohanan, at pag-asa.

Ngunit upang maging mabisa, kailangan nating gawin ito nang may kababaang-loob, katahimikan ng loob, at pag-ibig. Hindi natin kailangang ipakita ang kapangyarihan o mamuno sa paraang may kayabangan upang mapakinggan. Sa halip, dapat nating ipakita sa ating mga salita at gawa ang mahinahon ngunit makapangyarihang presensiya ni Jesus. Sapagkat paano tayo magiging tunay na kasangkapan Niya ng pagkakasundo at kagalingan kung tayo mismo ang kikilos na parang mapang-api o diktador?

Maging matapang tayo ngunit mahinahon, maging matatag ngunit mapagkumbaba, maging mapagmahal ngunit handang pumuna kung may makita tayong kamalian—tulad ni Jesus.

Handa ba tayong basagin kung kinakailagan ang ating pananahimik  at maging tinig ng Diyos ng katotohanan at kapayapaan sa ating pamilya, pamayanan, at sa mundong ating ginagalawan? — Marino J. Dasmarinas

Reflection for October 16 Thursday of the 28th Week in Ordinary Time: Luke 11:47-54


Gospel: Luke 11:47-54
The Lord said: “Woe to you who build the memorials of the prophets whom your fathers killed. Consequently, you bear witness and give consent to the deeds of your ancestors, for they killed them and you do the building.

Therefore, the wisdom of God said, ‘I will send to them prophets and Apostles; some of them they will kill and persecute’ in order that this generation might be charged with the blood of all the prophets shed since the foundation of the world, from the blood of Abel to the blood of Zechariah who died between the altar and the temple building.

Yes, I tell you, this generation will be charged with their blood! Woe to you, scholars of the law! You have taken away the key of knowledge. You yourselves did not enter and you stopped those trying to enter.” When Jesus left, the scribes and Pharisees began to act with hostility toward him and to interrogate him about many things, for they were plotting to catch him at something he might say.

+ + + + + + +
Reflection:
Why were the Pharisees and scribes angry with Jesus? It was because Jesus was telling the truth about their hypocrisy and double-speak. The truth hurts, but Jesus doesn’t mince words; He tells it as He sees it. He spoke directly to them without fear because He wanted them to open their minds to their pretensions and double standards.

Oftentimes, we too feel uncomfortable when the truth confronts us. It is never easy to hear words that reveal our weaknesses or shortcomings. But just like the Pharisees and scribes, we need those moments of truth to help us grow. When someone corrects us or points out our faults, we are invited to accept it as constructive criticism and look at it in a positive way.

Instead of being defensive, we can choose to learn, reflect, and improve ourselves. If we close our minds to correction, it’s like declaring that we no longer want to grow. And those who refuse to grow will never become the persons God wants them to be.

Let us remember that none of us is perfect except God. We all have our flaws, weaknesses, and shortcomings because we are imperfect human beings. But in God’s mercy, these imperfections are not meant to condemn us—they are opportunities for grace and transformation. What matters is that we accept correction with humility and use it as a stepping stone to become better and more fruitful disciples of Christ.

Let us, therefore, embrace a heart that listens, a mind that is teachable, and a spirit that remains humble before God. May we be open to advice, willing to be corrected, and courageous enough to grow in the areas where God is calling us to change. By doing so, we not only become better citizens of this world—we also prepare our hearts for the Kingdom of Heaven.

Are we humble and open enough to accept God’s gentle corrections—whether they come through His Word, through others, or through the stirrings of our own conscience—so that we may become the persons He created us to be? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Oktubre 16 Huwebes sa Ika-28 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 11:47-54


Mabuting Balita: Lucas 11:47-54
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, "Kawawa kayo! Ipinagtatayo ninyo ng magagarang libingan ang mga propetang pinagpapatay ng inyong mga magulang. Sa ganitong paraan, kayo na rin ang nagpapatunay na sang-ayon kayo sa mga ginawa ng inyong mga magulang; sapagkat sila ang pumatay sa mga propeta at kayo naman ang nagtatayo ng libingang puntod ng mga yaon. 

Dahil rito'y sinabi rin ng Karunungan ng Diyos, 'Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at ng mga apostol; ang iba'y papatayin nila at uusigin ang iba.' Sa gayo'y lalagpak sa lahing ito ang parusa dahil sa pagpatay sa mga propeta buhat nang itatag ang sanlibutan, magmula kay Abel hanggang kay Zacarias na pinatay sa pagitan ng dambanang sunugan ng mga handog at ng gusali ng Templo. 

Sinasabi ko sa inyo, lalagpak sa lahing ito ang parusa dahil sa kanilang ginawa. "Kawawa kayo, mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat inalis ninyo ang susi ng karunungan. Ayaw na ninyong magsipasok, hinahadlangan pa ninyo ang mga nagnanais pumasok." At umalis si Jesus sa bahay na iyon. Mula noon, tinuligsa na siya ng mga eskriba at mga Pariseo at pinagtatanong tungkol sa maraming bagay, upang masilo siya sa kanyang pananalita.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Bakit nga ba nagalit ang mga Pariseo at mga eskriba kay Jesus? Ito ay dahil sinabi ni Jesus ang katotohanan tungkol sa kanilang pagkukunwari at pagiging plastic. Masakit tanggapin ang katotohanan, ngunit si Jesus ay hindi nag-aalinlangan na sabihin ito nang direkta. Wala Siyang takot na harapin sila sapagkat nais Niyang mabuksan ang kanilang isipan sa kanilang mga pagkukunwari at dobleng pamantayan.

Madalas din tayong nasasaktan kapag sinasabi sa atin ang katotohanan. Hindi madaling tanggapin kapag may nagsasabi sa atin ng ating mga pagkakamali o kahinaan. Ngunit gaya ng mga Pariseo at eskriba, kailangan din natin ang mga sandaling ito upang tayo ay lumago.

Kapag may nagtutuwid sa atin o nagsasabi ng ating mga kakulangan, tayo ay inaanyayahang tanggapin ito bilang isang makabuluhang pagpuna at pagmasdan ito sa positibong paraan.

Sa halip na magmatigas o sumagot ng may pagmamataas, maaari nating piliing matuto, magnilay, at magbago. Kung isasara natin ang ating mga isipan sa pagtutuwid, para na rin nating sinasabing ayaw na nating umunlad at magbago. At ang mga taong ayaw magbago ay hindi kailanman magiging mga taong pinagpapala ng Diyos.

Tayo ay pinaaalalahanan na wala ni isa sa atin ang perpekto maliban sa Diyos. Tayong lahat ay may kanya-kanyang kahinaan at kakulangan dahil tayo ay likas na marupok bilang mga tao. Ngunit sa Kanyang habag at pag-ibig, ang ating mga kahinaan ay hindi parusa kundi mga pagkakataon upang tayo ay hubugin ng Kanyang biyaya. Ang mahalaga ay tinatanggap natin ang pagtutuwid nang may kababaang-loob at ginagawa natin itong hakbang upang mas lalo tayong maging mabubuting tagasunod ni Kristo.

Kaya’t palagi nating pairalin ang pusong handang makinig, isipan na bukas sa pagtuturo, at espiritung mapagpakumbaba sa harap ng Diyos. Maging bukas tayo sa mga payo, handang tumanggap ng pagtutuwid, at magkaroon ng tapang upang magbago ayon sa panawagan ng Diyos sa ating mga buhay. Sa ganitong paraan, hindi lamang tayo nagiging mabubuting mamamayan ng mundong ito — inihahanda rin natin ang ating mga puso para sa Kaharian ng Diyos sa Langit.

Handa ba tayong tumanggap ng mga pagtutuwid ng Diyos — maging ito man ay sa pamamagitan ng Kanyang Salita, ng ibang tao, o ng tinig ng ating konsensya — upang tayo ay maging mga taong Kanyang nilikha ayon sa Kanyang dakilang layunin? — Marino J. Dasmarinas

Reflection for Wednesday October 15 Memorial of Saint Teresa of Jesus, Virgin and Doctor of the Church: Luke 11:42-46


Gospel: Luke 11:42-46
The Lord said: “Woe to you Pharisees! You pay tithes of mint and of rue and of every garden herb, but you pay no attention to judgment and to love for God. These you should have done, without overlooking the others. Woe to you Pharisees! You love the seat of honor in synagogues and greetings in marketplaces. Woe to you! You are like unseen graves over which people unknowingly walk.”

Then one of the scholars of the law said to him in reply, “Teacher, by saying this you are insulting us too.” And he said, “Woe also to you scholars of the law! You impose on people burdens hard to carry, but you yourselves do not lift one finger to touch them.”

+ + + + + + +
Reflection:
Are we good leaders? For example, in our homes, do we walk our talk, or do we lead by example?

We read in the Gospel that Jesus is angry with the Pharisees and the teachers of the Law. Why? It’s because of their superficial practice of faith and leadership. The Pharisees were supposed to be the leaders of their community, and therefore it was expected of them to lead by example.

They loved to lead and tell people what to do, but it stopped there. When it came to living out their faith, they were deficient. Jesus wanted them to walk their talk and lead by example. Unfortunately, the Pharisees and the teachers of the Law were not like that in the Gospel.

A good leader leads by example. He doesn’t only give orders; he also shows the way. A good leader should not be superficial in his actions; he must walk his talk even if nobody is watching. A good and exemplary leader must not make promises he or she cannot fulfill. Some of the Pharisees were the personification of fake leadership and an exterior show of piety.

It is very important that we live our faith and practice what we preach. These were the factors that moved Jesus to give His woes to the Pharisees and the scholars of the Law. They were supposed to be role models, but they were only good at telling their subjects to do this and that. When it came to doing it themselves, they were inadequate.

The very clear lesson for us is this: We must practice and live what we learn about our faith. We must not limit ourselves to giving orders; we must lead and show the way.

As followers of Christ, we are called not just to speak of our faith but to embody it in our daily lives. Our actions must mirror the values we proclaim, and our leadership must flow from a heart that truly follows Jesus. When we lead by example, we bring light to others, inspire transformation, and glorify God through our lives.

As we reflect today, let us ask ourselves — do our lives reflect the faith we profess? Are we truly leading others closer to Jesus through our example, or are we merely speaking without living it out? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Miyerkules Oktubre 15 Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan: Lucas 11:42-46


Mabuting Balita: Lucas 11:42-46
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, "Kawawa kayo, mga Pariseo! Ibinibigay ninyo ang ikapu ng yerbabuena, ng ruda, at ng iba pang gulayin, ngunit kinaliligtaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Tamang gawin ninyo ito ngunit huwag naman ninyong kaliligtaang gawin ang mga iba.

 "Kawawa kayo, mga Pariseo! Sapagkat ang ibig ninyo'y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang pagpugayan kayo sa mga liwasang-bayan. Sa aba ninyo! Sapagkat para kayong mga libingang walang tanda, at nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman."

 Sinabi sa kanya ng isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, "Guro, sa sinabi mong iyan pati kami'y kinukutya mo." At sinagot siya ni Jesus, "Kawawa rin kayo, mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mabibigat na dalahin, ngunit ni daliri'y ayaw ninyong igalaw sa pagdadala ng mga iyon."

+ + + + + + +
Repleksyon:
Tayo ba ay mabubuting pinuno? Halimbawa, sa ating sariling tahanan, tayo ba ay tumutupad sa ating mga sinasabi? Tayo ba ay namumuno sa pamamagitan ng mabuting halimbawa?

Sa atin pong Mabuting Balita, mababasa natin na si Jesus ay nagalit sa mga Pariseo at sa mga guro ng Batas. Bakit? Sapagkat ang kanilang pamumuno at pananampalataya ay paimbabaw lamang at pawang palabas. Ang mga Pariseo ang inaasahang mamuno sa kanilang komunidad, kaya’t inaasahan din na sila mismo ang magiging mabuting huwaran.

Gustong-gusto nilang mamuno at mag-utos, ngunit hanggang salita lamang iyon. Kapag tungkol na sa pagsasabuhay ng pananampalataya, sila ay bigong magpakita ng tunay na halimbawa. Nais ni Jesus na isabuhay nila ang kanilang mga ipinangangaral at mamuno sa pamamagitan ng mabuting halimbawa. Sa kasamaang-palad, hindi ito ang ipinakita ng mga Pariseo at ng mga guro ng Batas.

Ang isang mabuting pinuno ay namumuno sa pamamagitan ng paggawa, hindi lamang ng salita. Hindi lamang siya nag-uutos, kundi siya mismo ang nangunguna sa paggawa ng mabuti. Ang isang tunay na pinuno ay hindi nagpapakita ng mababaw na pamumuno; bagkus, isinasabuhay niya ang kanyang sinasabi kahit walang nakakakita. Ang mabuting pinuno ay hindi nagbibigay ng mga pangakong hindi niya kayang tuparin. Ang ilan sa mga Pariseo ay larawan ng huwad na pamumuno at pagpapakitang-tao lamang na kabanalan.

Mahalagang-mahalaga na ating isabuhay ang ating pananampalataya at isagawa ang ating ipinangangaral. Ito ang dahilan kung bakit binigyan ni Jesus ng matitinding babala ang mga Pariseo at ang mga guro ng Batas. Sila ay dapat sana’y maging mabubuting huwaran, ngunit sila’y magaling lamang sa pagsasabi ng dapat gawin. Kapag sila na ang dapat kumilos, sila’y nagkukulang.

Ang malinaw na aral para sa ating lahat ay ito: Dapat nating isabuhay at isagawa ang ating mga natutunan tungkol sa ating pananampalataya. Huwag tayong manatili lamang sa pag-uutos; tayo mismo ang dapat mamuno at magpakita ng tama.

Bilang mga alagad ni Jesus, tayo ay tinatawagan hindi lamang upang magsalita tungkol sa ating pananampalataya kundi upang ito’y isabuhay araw-araw. Nawa’y ang ating pamumuno at mga kilos ay sumalamin sa ating pananalig, upang sa ating mabuting halimbawa ay mas mapalapit ang iba kay Jesus.

Habang tayo ay nagmumuni-muni ngayon, itanong natin sa ating sarili — ang ating bang buhay ay tunay na sumasalamin sa ating pananampalataya? Tayo ba ay namumuno at nagbibigay-inspirasyon sa iba sa pamamagitan ng ating halimbawa, o tayo ba ay hanggang salita lamang? — Marino J. Dasmarinas

Reflection for October 14 Tuesday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time: Luke 11:37-41


Luke 11:37-41
After Jesus had spoken, a Pharisee invited him to dine at his home. He entered and reclined at table to eat. The Pharisee was amazed to see that he did not observe the prescribed washing before the meal.

The Lord said to him, “Oh you Pharisees! Although you cleanse the outside of the cup and the dish, inside you are filled with plunder and evil. You fools! Did not the maker of the outside also make the inside? But as to what is within, give alms, and behold, everything will be clean for you.”

+ + + + + + +
Reflection:
Jenny is very particular about external appearance. She would always dress well. The exterior of her house is always refreshing to the eyes. Her neighbor wondered how she was able to afford such luxuries, considering that she had no job to speak of.

One morning, a rich woman was shouting in front of her house, telling her to leave her husband alone. Otherwise, she would be forced to bring her to court for having a relationship with a married man.

Many of us are very particular about what others will see in us. As much as possible, we try to paint a good picture of ourselves. This is who many of us are—very much driven by the exterior, the fleeting, and the things that do not last a lifetime. We sometimes give more value to what others perceive on the outside than to who we truly are on the inside.

But Jesus is not taken with a show of misleading exterior appearance. What counts for Him is our inner life—our hearts, our intentions, and the good that we do especially when no one is watching. For example, how do we react when we see the poor begging for alms? Do we respond with compassion? Or do we simply not care, thinking, “Anyway, no one is looking at us, so we might as well not mind the poor.”

Jesus knows everything about us. We cannot hide anything from Him. He knows our hidden secrets, our double talk, and the façade that we try so hard to display in order to create an impression of righteousness, power, wealth, and extravagance. But what matters most to Him is the sincerity of our hearts and the authenticity of our faith.

As followers of Jesus, we are invited to go beyond the superficial. Our worth is not defined by what we show outwardly but by who we are in the eyes of God.

Are we more concerned with how people see us than with how Jesus sees us? Will we continue to live behind a façade, or will we allow His light to transform us from within so that what radiates outward is His love and truth? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Oktubre 14 Martes sa Ika-28 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 11:37-41


Mabuting Balita: Lucas 11:37-41
Noong panahong iyon, pagkatapos magsalita ni Hesus, siya’y inanyayahan ng isang Pariseo upang kumain, kaya’t pumunta siya sa bahay nito. Pagdulog sa hapag, nagtaka ang Pariseo nang makita niyang kumain si Hesus nang hindi muna naghugas ng kamay.

 Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Kayong mga Pariseo, hinuhugasan ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan, ngunit ang loob ninyo’y punong-puno ng kasakiman at kasamaan. Mga hangal! Hindi ba’t ang may likha ng labas ang siya ring may likha ng loob? Ngunit ipamahagi muna ninyo sa mga dukha ang mga laman ng mga sisidlan at magiging malinis ang lahat ng bagay para sa inyo.”   

+ + + + + + +
Repleksyon:
Si Jenny ay lubhang maingat sa panlabas na anyo. Lagi siyang nakabihis nang maayos at maganda. Ang labas ng kanyang bahay ay laging kaaya-ayang pagmasdan. Kaya’t nagtataka ang kanyang kapitbahay kung paano niya kayang tustusan ang ganitong karangyaan gayong wala naman siyang trabaho.

Isang umaga, may mayamang babae ang sumigaw sa tapat ng kanyang bahay, sinasabihan siyang layuan ang asawa nito. Kung hindi, ay idedemanda siya dahil sa pakikipagrelasyon sa isang lalaking may asawa.

Marami sa atin ang masyadong nakatuon sa kung ano ang nakikita ng ibang tao sa ating panlabas. Hangga’t maaari, ginagawa natin ang lahat upang magmukhang maayos, kahanga-hanga, at katanggap-tanggap sa paningin ng mundo. Madalas, pinahahalagahan natin ang mga bagay na panandalian lamang—ang panlabas, ang maganda sa paningin—ngunit hindi magtatagal o walang panghabambuhay na halaga.

Ngunit hindi bilib si Jesus sa mga panlabas na pagpapakitang ito. Hindi Siya nadadala sa mga huwad na anyo. Ang higit na mahalaga para sa Kanya ay ang ating kalooban—ang ating puso, mga intensyon, at ang mabubuting gawa natin lalo na kapag walang nakakakita. 

Halimbawa, paano tayo tumutugon kapag may nakikita tayong mahirap na namamalimos? Tayo ba ay kumikilos upang tumulong, o hinahayaan natin sila dahil sinasabi natin sa ating sarili, “Wala namang nakakakita sa akin, kaya’t hayaan ko na lang sila.” 

Alam ni Jesus ang lahat tungkol sa atin. Wala tayong maitatago sa Kanya. Batid Niya ang ating mga lihim, ang ating pagkukunwari, at ang mga maskarang pilit nating isinusuot upang magmukhang matuwid, makapangyarihan, mayaman, at marangya. Ngunit ang tunay na tinitingnan Niya ay ang kabutihan ng ating puso at kung tayo ay tapat sa Kanya. 

Bilang mga tagasunod ni Jesus, tinatawag tayong magbago ng pananaw—hindi lamang tumingin sa panlabas kundi ituon ang ating buhay sa kung ano ang mahalaga sa paningin ng Diyos. Ang ating tunay na pagkatao ay hindi nasusukat sa kung paano tayo nakikita ng tao, kundi sa kung sino tayo sa harapan ng ating Panginoon. 

Mas pinahahalagahan ba natin kung paano tayo nakikita ng ibang tao kaysa kung paano tayo nakikita ni Jesus? Mananatili ba tayong nabubuhay sa likod ng isang maskara, o hahayaan nating baguhin Niya ang ating puso upang ang Kanyang liwanag at pag-ibig ang sumikat mula sa ating kalooban? — Marino J. Dasmarinas

Sunday, October 12, 2025

Reflection for October 13 Monday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time: Luke 11:29-32


Gospel: Luke 11:29-32
While still more people gathered in the crowd, Jesus said to them, “This generation is an evil generation; it seeks a sign, but no sign will be given it, except the sign of Jonah. Just as Jonah became a sign to the Ninevites, so will the Son of Man be to this generation.  

At the judgment the queen of the south will rise with the men of this generation and she will condemn them, because she came from the ends of the earth to hear the wisdom of Solomon, and there is something greater than Solomon here. 

At the judgment the men of Nineveh will arise with this generation and condemn it, because at the preaching of Jonah they repented, and there is something greater than Jonah here.”

+ + + + + + +
Reflection:
Why do we meet or become acquainted with good and godly people? It’s for a good reason. They don’t just come into our lives by accident; it’s always for a divine purpose.

For example, when we become friends with a good and godly person, it means that God has led us to them so that we, too, may grow in goodness and godliness. We are not brought into their lives to be led astray. Jesus places these people in our path so that our hearts may be transformed and our lives renewed. That is always God’s purpose.

Some of us may listen and allow these godly friends to influence us, and as a result, we become more like Christ. But sadly, this is not always the case. There are many who choose not to listen. No matter how many times God calls them to renewal, they still harden their hearts and turn away from His voice.

Jonah, in our Gospel, was sent by God to the people of Nineveh to call them to repentance. They listened to him, and because of their repentance, God spared them from punishment. After Jonah, many more prophets were sent by God to call His people back to conversion.

When Jesus came, He continued that call to repentance and new life. Many listened to Him with open hearts and experienced deep transformation. But sadly, many also ignored His voice, hardened their hearts, and continued to live in sin.

Yet Jesus’ call to repentance did not end with His time on earth. The Lord’s invitation flows like an endless stream, reaching us today. He is still calling us to turn away from sin, to listen to His voice, and to embrace the new life He offers.

God often uses good and godly people to awaken our hearts. They are His instruments of grace, gently guiding us closer to Him. The question is not whether God is calling us—He surely is—but whether we will open our hearts and respond.

Will we allow the Lord to use the people He sends our way to lead us to deeper conversion? Will we listen to His voice today, or will we harden our hearts? — Marino J. Dasmarinas 

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Oktubre 13 Lunes sa Ika-28 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 11:29-32


Mabuting Balita: Lucas 11:29-32
Noong panahong iyon, samantalang dumaragsa ang mga tao, sinabi ni Hesus, “Napakasama ng lahing ito! Naghahanap sila ng palatandaan mula sa langit, subalit walang ipapakita sa kanila maliban sa palatandaang inilalarawan ng nangyari kay Jonas. Kung paanong naging isang palatandaan si Jonas sa mga taga-Ninive, gayun din naman, magiging isang palatandaan sa lahing ito ang Anak ng Tao.

Sa Araw ng Paghuhukom, titindig ang Reyna ng Timog laban sa lahing ito at sila’y hahatulan niya ng kaparusahan. Sapagkat nanggaling siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon; ngunit higit na di-hamak kay Solomon ang naririto! Sa Araw ng Paghuhukom ay titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto!”
+ + + + + + +
Repleksyon:
Bakit ba paminsan-minsan ay may dumadaan na mga mabubuti at maka-Diyos na tao sa ating buhay? Hindi ito isang pagkakataon lamang. Laging may mabuting dahilan kung bakit sila ipinapadala ng Diyos sa ating buhay—ito ay bahagi ng Kanyang banal na layunin.

Halimbawa, kapag tayo ay naging kaibigan ng isang mabuti at maka-Diyos na tao, ibig sabihin ay inilapit tayo ng Diyos sa kanila upang tayo rin ay lumago sa kabutihan at kabanalan. Hindi natin sila nakilala upang dalhin tayo sa kasamaan, kundi upang dalhin tayo sa kabutihan. Si Jesus mismo ang naglalagay ng ganitong mga tao sa ating landas upang mapalambot ang ating mga puso at magkaroon ng panibagong buhay sa piling Niya.

Marami sa atin ang nakikinig at nagpapahintulot na impluwensyahan ng ating mga maka-Diyos na kaibigan. Dahil dito, tayo ay unti-unting nagiging mas mabuti at mas malapit kay Kristo. Subalit sa kasamaang palad, hindi ito ang laging nangyayari. Marami pa rin ang pinipiling baliwalain at sadyang maging bingi sa tawag ng Diyos. Kahit gaano pa karaming beses Niya tayong tawagin sa pagbabago, nananatili pa rin ang matitigas na puso at ang pagtanggi sa Kanyang tinig.

Tulad ni Jonas sa ating Mabuting Balita, siya ay isinugo ng Diyos sa mga taga-Ninive upang sila ay tawagin sa pagsisisi. Nakinig sila, kaya’t sila ay pinatawad at iniligtas ng Diyos sa parusa. Pagkatapos ni Jonas, marami pang mga propeta ang isinugo upang manawagan ng pagbabalik-loob sa Panginoon.

Nang dumating si Jesus, itinuloy Niya ang panawagang ito. Marami ang nakinig sa Kanya at lubos na nagbago ang buhay. Ngunit marami rin ang binalewala ang Kanyang tinig, at patuloy na niyakap ang kasalanan.

Ngunit hindi natapos ang panawagan ni Jesus sa panahon ng Kanyang ministeryo. Ang Kanyang tinig ay patuloy na dumadaloy hanggang sa ating panahon ngayon—tayo na ang Kanyang tinatawag sa pagbabalik-loob, pagsisisi, at pagbabagong buhay.

Ginagamit ng Diyos ang mga mabubuti at maka-Diyos na tao bilang Kanyang mga kasangkapan ng biyaya upang gisingin ang ating mga puso at akayin tayo palapit sa Kanya. Ang tunay na tanong ngayon ay hindi kung tinatawag ba tayo ng Diyos—sapagkat tiyak na tinatawag nya tayo—kundi kung tayo ba ay handang makinig at tumugon.

Makikikinig ba tayo sa Diyos na nagpapadala ng mga tao sa ating buhay upang tayo ay mas mapalapit sa kanya o magbibingi-bingihan parin tayo? — Marino J. Dasmarinas

Tuesday, October 07, 2025

Reflection for October 12, Twenty-eighth Sunday in Ordinary Time: Luke 17:11-19


Gospel: Luke 17:11-19
As Jesus continued his journey to Jerusalem, he traveled through Samaria and Galilee. As he was entering a village, ten lepers met him. They stood at a distance from him and raised their voices, saying, “Jesus, Master! Have pity on us!” And when he saw them, he said, “Go show yourselves to the priests.” 

As they were going they were cleansed. And one of them, realizing he had been healed, returned, glorifying God in a loud voice; and he fell at the feet of Jesus and thanked him. He was a Samaritan. Jesus said in reply, “Ten were cleansed, were they not? Where are the other nine? Has none but this foreigner returned to give thanks to God?” Then he said to him, “Stand up and go; your faith has saved you.”
+ + + + + + +
Reflection:
There was once a young woman who was diagnosed with a severe illness. Her doctor told her that she would need to undergo a dangerous operation upon reaching the age of twenty-five; otherwise, she would die. Having nothing except her faith, she relied on no one but Jesus. 

As years passed, she eventually reached the age of twenty-five. Yet, nothing serious happened to her, nor did she undergo any operation. She was still alive and in the pink of health. Out of deep gratitude for the healing she received from Jesus, she entered a convent to become a nun. 

This story reminds us that the healing power of Jesus is real. Our faith in Him can heal not only our physical sickness but also the hidden wounds of our hearts and souls. We simply have to ask Jesus with faith, and He will surely hear us. But every healing that we receive from the Lord also carries an unwritten responsibility—to give thanks and to share the gift of healing with others through our words and deeds. 

The ten lepers in the Gospel all had faith in Jesus; otherwise, they would not have been healed. But among the ten, only one—a Samaritan—returned to thank Jesus. He humbly fell at His feet and gave glory to God. 

How about the nine who were also healed? Perhaps they went back to their homes and quietly resumed their lives, forgetting to express their gratitude. In many ways, we too can be like those nine—eager to receive God’s blessings but slow to return to Him with thanksgiving. 

Whom should we imitate—the nine who walked away or the one who came back? The answer is clear. We are called to follow the example of the grateful and humble Samaritan who remembered to give thanks. 

When we take time to thank Jesus for all that He has done for us—our healing, our answered prayers, our daily blessings—we allow gratitude to deepen our faith. A thankful heart always attracts more grace. 

Are we like the nine who forgot to return, or are we like the one who came back to humbly thank Jesus? Do we take time each day to prayerfully express our heartfelt gratitude to Him who never fails to heal, bless, and love us? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para Oktubre 12, Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 17:11-19


Mabuting Balita: Lucas 17:11-19
Sa paglalakbay ni Hesus patungong Jerusalem, nagdaan siya sa hangganan ng Samaria at Galilea. Nang papasok na siya sa isang nayon, siya’y sinalubong ng sampung ketongin. Tumigil sila malayu-layo at humiyaw ng: “Hesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!” nang makita sila ay sinabi niya, “Humayo kayo at pakita sa mga saserdote.” 

At samantalang sila’y naglalakad, gumaling sila. Nang mapuna ng isa na siya’y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Hesus at nagpasalamat. Ang taong ito’y Samaritano. 

“Hindi ba sampu ang gumaling?” tanong ni Hesus. “Nasan ang siyam? Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Tumindig ka’t humayo sa iyong lakad! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.

+ + + + + + +
Repleksyon:
May isang kuwento tungkol sa dalagang nagkaroon ng malubhang karamdaman. Sinabi ng kanyang doktor na kailangan niyang sumailalim sa isang mapanganib na operasyon pagsapit niya ng dalawampu’t limang taong gulang; kung hindi, siya raw ay mamamatay.

Naging malungkot ang dalaga dahil wala siyang pera pang pagamot. Ngunit ang kanyang kalungkutan ay kaagad na napalitan ng lakas ng loob dahil pinanghawakan nya ang kanyang  malakas na pananampalataya sa Panginoong Jesukristo. 

Lumipas ang mga taon, at dumating ang kanyang ikadalawampu’t limang kaarawan. Gayunman, walang nangyaring masama sa kanya, ni hindi siya dumaan sa operasyon. Siya ay naging buhay pa rin at nagging mabuti ang kalusugan. Bilang pasasalamat sa kagalingang ibinigay ni Jesus, pumasok siya sa kumbento para mag madre upang ialay ang kanyang buhay sa Panginoon.

Ang kuwentong ito ay nagpapaalala sa atin na tunay ngang makapangyarihan ang Panginoong Jesus. Ang ating pananampalataya sa Kanya ay kayang magpagaling hindi lamang ng ating pisikal na karamdaman kundi pati ng mga sugat ng ating puso at kaluluwa.

Kailangan lamang nating lumapit kay Jesus nang may buong tiwala at pananampalataya, at tiyak na pakikinggan Niya tayo. Subalit, sa bawat kagalingang ating tinatanggap mula sa Panginoon, may kaakibat na tungkulin—ang magpasalamat at ibahagi sa iba ang kabutihang ating natanggap.

Sa ati pong Mabuting Balita ay may sampung ketongin ang pinagaling ni Jesus. Lahat sila ay may pananampalataya, sapagkat kung wala, hindi sana sila gumaling. Ngunit sa sampu, isa lamang—ang Samaritano—ang bumalik upang magpasalamat kay Jesus. Siya ay lumuhod sa paanan ng Panginoon at buong kababaang-loob na nagpuri at nagpasalamat sa Diyos.

Saan nag punta ang siyam na iba pa? Marahil sila’y bumalik sa kani-kanilang mga tahanan at tahimik na ipinagpatuloy ang kanilang buhay, nakalimutang magpasalamat. Sa maraming pagkakataon, tayo rin ay nagiging tulad nila—mabilis humingi ng biyaya, ngunit mabagal magpasalamat o hindi nga nagpapasalamat.

Sino ngayon ang ating tutularan—ang siyam na lumayo o ang isa na nagbalik? Maliwanag ang sagot. Tayo ay tinatawagan ng Diyos na maging tulad ng mapagpasalamat na Samaritano—mapagkumbaba at puspos ng pasasalamat.

Kapag natutunan nating magpasalamat kay Jesus sa lahat ng Kanyang ginagawa para sa atin—sa kagalingan, sa mga dasal na dinidinig, at sa bawat biyayang tinatanggap natin—mas napapalalim natin ang ating pananampalataya. Ang pusong marunong magpasalamat ay pusong laging pinagpapala.

Tayo ba ay tulad ng siyam na nakalimot magbalik, o tulad ng isa na nagpasalamat? Nakukuha pa ba nating magpasalamat kay Jesus sa bawat paggising natin sa umaga at sa bawat biyayang ating tinatanggap?- Marino J. Dasmarinas

Reflection for October 11 Saturday of the 27th Week in Ordinary Time: Luke 11:27-28


Gospel: Luke 11:27-28
While Jesus was speaking, a woman from the crowd called out and said to him, “Blessed is the womb that carried you and the breasts at which you nursed.” He replied, “Rather, blessed are those who hear the word of God and observe it.”
+ + + + + + +
Reflection:
How can we hear the healing voice of God? But does God speak to us in the first place? Yes, of course, God speaks to us when we pray. He speaks to us when we read the Scriptures or the Bible, when we piously attend Holy Mass, and when we spend quiet moments in the Adoration Chapel. God also speaks to us through the poor, the hungry, and the spiritually deprived.

But what do we do after hearing God speak to us? We must act. We need to translate our conversation with Him into concrete acts of faith and love. God’s voice is not meant to be stored only in our hearts or minds—it is meant to be lived out in our daily lives.

Many of us sometimes forget to have a daily interaction with Jesus. Sad to say, we often spend more time browsing social media, fiddling with our smartphones, and watching movies on Netflix, and other streaming platforms in front of our smart, high-definition televisions rather than listening to God. This is the reality: we often lack time for Him, and that’s why we carry so many unnecessary worries, baggage and anxieties.

But the moment we learn to truly hear and listen more to God, something beautiful happens. We begin to experience a peace that the world cannot give—even if we are not materially rich. Yes, problems may still come from time to time, but with God’s voice guiding us, we can rise above them. Why? Because our friendship with Him has grown deeper through our daily encounters and heartfelt conversations with Him.

If we can make time for our many earthly undertakings, why can’t we create time for God, who gives us everything we have? We gain wisdom, strength, and peace when we make space in our hearts for His voice and translate those divine whispers into concrete acts of faith, hope, and love.

Let us not allow the noise of this world to drown out the gentle voice of our loving God. When we choose to listen to Him, the worries of this world begin to lose their power over us.

Are we willing to quiet the noise around us so we can truly hear His healing voice? Are we ready to give God the time and space He deserves in our daily lives? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para Sabado Oktubre 11 Sabado sa Ika-27 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 11:27-28


Mabuting Balita: Lucas 11:27-28
Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita si Jesus, sa mga tao, may isang babaing sumigaw mula sa karamihan at nagsabi sa kanya, "Mapalad ang babaing nagdala sa inyo sa kanyang sinapupunan, at nagpasuso sa inyo!" Ngunit sumagot siya, "Higit na mapalad ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!"
+ + + + + + +
Repleksyon:
Paano ba natin maririnig ang makapangyarihang tinig ng Diyos? Pero, nagsasalita nga ba Siya sa atin? Oo, tunay na nagsasalita ang Diyos sa atin kapag tayo ay nananalangin. 

Nagsasalita Siya sa atin kapag binabasa natin ang Banal na Kasulatan o Bibliya, kapag taimtim tayong dumadalo sa Banal na Misa, at kapag tahimik tayong naglalaan ng oras sa Adoration Chapel. Nagsasalita rin Siya sa atin sa pamamagitan ng mga mahihirap, nagugutom, at mga taong hindi pa malalim ang kanilang pananampalataya.

Ano ang ginagawa natin kapag naririnig natin ang tinig ng Diyos? Kailangan tayong kumilos. Kailangang maisalin natin ang ating pakikipag-usap sa Kanya sa mga kongkretong gawa ng pananampalataya, pagtulong  at pag-ibig. Ang Kanyang tinig ay hindi lamang dapat manatili sa ating isipan o puso—ito’y dapat nating isabuhay araw-araw.

Marami sa atin ang minsan ay nakakalimutang magkaroon ng araw-araw na pakikipag-ugnayan kay Jesus. Nakakalungkot mang isipin, mas madalas nating ginugugol ang ating oras sa pagba-browse sa social media, sa pagiging busy sa ating mga smartphone, at sa panonood ng mga pelikula sa Netflix, at iba pang streaming platforms—imbes na makinig sa tinig ng Diyos.

Ito ang katotohanan: madalas ay wala tayong sapat na oras para sa Panginoon, kaya’t marami tayong pasan-pasang alalahanin at mga pangamba sa ating puso.

Ngunit sa sandaling matutunan nating tunay na pakinggan at damhin ang tinig ng Diyos, may magaganap na kakaiba sa ating buhay. Magsisimula tayong maranasan ang isang kapayapaang hindi kayang ibigay ng mundo—kahit na wala tayong kayamanang materyal.

Oo, patuloy pa ring darating ang mga pagsubok, ngunit sa tulong ng Diyos, makakaya nating malagpasan ang lahat ng ito. Bakit? Sapagkat mas lalo nang lumalalim ang ating pakikipagkaibigan at ugnayan sa Panginoon dahil sa araw-araw nating pakikipagtagpo at taimtim na pakikinig sa Kanya.

Kung kaya nating maglaan ng oras para sa ating mga makamundong gawain, bakit hindi natin magawang maglaan ng oras para sa Diyos—ang pinagmumulan ng lahat ng ating mga biyaya? Tayo ay nagkakaroon ng karunungan, lakas, at kapayapaan kapag binubuksan natin ang ating puso sa Kanyang tinig na banayad na bumubulong sa atin.

Huwag nating hayaang kainin tayo ng ingay ng mundong ito at takpan nito ang banayad na tinig ng ating mapagmahal na Diyos. Kapag pinili nating makinig sa Panginoon, mawawalan ng kapangyarihan sa atin ang mga alalahanin ng mundong ito.

Handa ba tayong patahimikin ang mga ingay na pumapaligid sa atin upang tunay nating marinig ang Kanyang nakapagpapagaling na tinig? Handa ba tayong ibigay sa Diyos ang oras na nararapat sa Kanya sa ating araw-araw na buhay? – Marino J. Dasmarinas