Pagkatapos, kanyang iniwan sa mga kasama ang ubasan, at siya'y
nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta ng
may-ari ng ubasan ang kanyang mga alipin upang kunin sa mga kasama ang kanyang
kaparte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang mga alipin; binugbog nila ang
isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo.
Pinapunta ng may-ari ang mas maraming alipin, ngunit gayon din ang
ginawa ng mga kasama sa mga ito. Sa kahuli-huliha'y pinapunta niya ang kanyang
anak na lalaki. 'Igagalang nila ang aking anak,' wika niya sa sarili. Ngunit ng
makita ng mga kasama ang anak, sila'y nag-usap-usap: 'Ito ang tagapagmana.
Halikayo! Patayin natin ng mapasaatin ang kanyang mamanahin.' Kaya't siya'y
sinunggaban nila, inilabas sa ubasan at pinatay.
"Pagbalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa
mga kasamang iyon?" sumagot sila, "Lilipulin niya ang mga buhong na
iyon, at paaalagaan ang ubasan sa ibang kasama na magbibigay sa kanya ng
kaparte sa panahon ng pamimitas." Tinanong sila ni Jesus, "Hindi pa
ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan?
'Ang
batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong
panulukan. Ginawa ito ng Panginoon, at ito'y kahanga-hanga!' Kaya nga sinasabi
ko sa inyo: hindi na kayo ang paghaharian ng Diyos kundi ang bansang
maglilingkod sa kanya ng tapat.
Narinig
ng mga punong saserdote at ng mga Pariseo ang mga talinghaga ni Jesus, at
naunawaan nilang sila ang pinatatamaan niya. Darakpin sana nila siya, ngunit
natakot sila sa mga tao, sapagkat kinikilala ng mga ito na propeta si Jesus.
Hindi. Sa
katunayan, ang binyag ang simula ng ating paglalakbay sa pananampalataya. Tayo
ay tinatawag ni Hesus hindi lamang upang tanggapin ang kaloob na ito kundi
upang isabuhay at ibahagi rin ito sa iba.
Sa ating Mabuting Balita ngayong Biyernes, mababasa natin ang tungkol sa isang may-ari ng ubasan na ipinaupahan ang kanyang ubasan sa ilang magsasaka. Nang dumating ang panahon ng anihan, hiningi ng may-ari ang kanyang bahagi sa bunga ng ubasan. Ngunit tumanggi ang mga magsasaka na ibigay ang nararapat sa kanya. Dahil sa kasakiman, pinili nilang angkinin para sa kanilang sarili ang mga bunga ng ubasan.
Sa maraming paraan, inaanyayahan tayo ng Mabuting Balita ito na pagnilayan ang ating sariling buhay. Ang pananampalatayang ipinagkaloob sa atin ni Hesus ay tulad ng ubasan na ipinagkatiwala sa mga magsasaka. Ito ay isang mahalagang kaloob na inilagay sa ating pangangalaga—hindi upang sarilinin lamang kundi upang magbunga at maibahagi sa iba.
Gusto ni Hesus na ang pananampalatayang ating tinanggap ay mamunga sa ating buhay at makita rin sa ating mga gawa. Kaya’t huwag sana tayong makontento sa pananatili lamang sa nakasanayan o sa kawalan ng pagkilos. Ang pananampalataya ay tunay na nabubuhay kapag ito ay ating isinasabuhay at ibinabahagi.
Maari nating simulan ito sa loob ng ating sariling pamilya. Bakit hindi natin anyayahan ang ating mga mahal sa buhay na magsimba kasama natin sa Banal na Misa? Bakit hindi tayo maglaan ng panahon upang sama-samang magnilay sa mga salita ni Hesus sa Bibliya? O kaya naman ay magtipon tayo bilang pamilya upang manalangin ng Santo Rosaryo, upang lalo pang tumibay ang ating pagkakaisa at mailapit tayo sa Panginoon sa pamamagitan ng ating Mahal na Ina.
Ang pananampalatayang ating tinanggap sa Sakramento ng Binyag ay isang napakahalagang kayamanan na ipinagkatiwala sa atin. Ito ay liwanag na dapat magningning at biyayang dapat ibahagi.
Sa ating pagninilay, tanungin natin ang ating mga sarili sa harap ng Panginoon: Ano na ba ang nagawa natin sa kaloob na pananampalatayang ipinagkatiwala sa atin ni Hesus? Naibahagi na ba natin ito sa iba upang mamunga sa kanilang buhay, o nanatili lamang ba itong nakatago sa ating mga puso?-Marino J. Dasmarinas

No comments:
Post a Comment