LET US PRAY FOR THE HEALING OF POPE FRANCIS.

Monday, March 03, 2025

Ang Mabuting Balita Marso 4 Martes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon: Marcos 10:28-31


Mabuting Balita: Marcos 10:28-31
Noong panahong iyon, nagsalita si Pedro kay Hesus, “Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kami’y sumunod sa inyo.” 

Sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo ito: ang sinumang mag-iwan ng bahay, o mga kapatid, ina, ama, mga anak, mga lupa, dahil sa akin at sa Mabuting Balita, ay tatanggap ng makasandaang ibayo sa buhay na ito – mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupa – ngunit may kalakip na pag-uusig.

At sa kabilang buhay ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming nauuna na magiging huli, at maraming nahuhuli na magiging una.”

No comments: