Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus
sa kanyang mga alagad, "Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang kumikilala sa
akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin din naman ng Anak ng Tao sa harapan ng
mga anghel ng Diyos. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay
itatatwa ko rin naman sa harapan ng mga anghel ng Diyos.
"Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapatatawad; ngunit ang lumait sa Espiritu Santo ay hindi mapatatawad. "Kapag kayo'y dinala nila sa sinagoga, o sa harapan ng mga tagapamahala at ng mga maykapangyarihan upang litisin, huwag ninyong isipin kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili o kung ano ang inyong sasabihin. Sapagkat sa oras na iyon, ang Espiritu ang magtuturo sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin."
No comments:
Post a Comment