Thursday, June 27, 2024

Ang Mabuting Balita Biyernes Hunyo 28 San Ireneo, obispo pantas ng simbahan at martir (Paggunita): Mateo 8:1-4


Mabuting Balita: Mateo 8:1-4
Nang makababa si Jesus mula sa bundok, sinundan siya ng napakaraming tao. Lumapit sa kanya ang isang ketongin at lumuhod sa harapan niya, "Ginoo," ang wika niya, "kung ibig po ninyo, ako'y inyong mapagagaling." 

Hinipo siya ni Jesus at sinabi, "Ibig ko, gumaling ka." At pagdaka'y nawala ang kanyang ketong. "Huwag mo itong sasabihin kaninuman," bilin ni Jesus. Pumunta ka't pasuri sa saserdote. Pagkatapos maghandog ka ng haing iniuutos ni Moises, bilang patotoo sa mga tao na magaling ka na."

No comments: