"Hindi
ninyo nalalaman ang inyong hinihingi," sabi ni Jesus sa kanila.
"Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko?" "Opo," tugon
nila. Sinabi ni Jesus, "Ang hirap na babatahin ko'y babatahin nga ninyo.
Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa
aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyo'y para sa pinaghandaan ng aking
Ama."
Nang marinig ito ng sampung mga alagad, nagalit sila sa magkapatid. Kaya't pinalapit sila ni Jesus at sinabi sa kanila, "Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil ay naghahari sa kanila, at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod.
Ngunit hindi
dapat ganyan ang umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging
dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging
alipin ninyo, tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi
upang maglingkod at iaalay ang kanyang buhay upang matubos ang marami.
No comments:
Post a Comment