Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, July 24, 2023

Ang Mabuting Balita Martes Hulyo 25, San Santiago, apostol (Kapistahan): Mateo 20:20-28


Mabuting Balita: Mateo 20:20-28
Noong panahong iyon, lumapit kay Jesus ang asawa ni Zebedeo, kasama ang kanyang mga anak. May ibig siyang hingin, kaya't lumuhod siya sa harapan ni Jesus. "ano ang ibig mo?" tanong ni Jesus. Sumagot siya, "Sana'y ipagkaloob ninyo sa dalawa kong anak na ito ang karapatang makaupong katabi ninyo sa inyong kaharian -- isa sa kanan at isa sa kaliwa."   

"Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi," sabi ni Jesus sa kanila. "Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko?" "Opo," tugon nila. Sinabi ni Jesus, "Ang hirap na babatahin ko'y babatahin nga ninyo. Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyo'y para sa pinaghandaan ng aking Ama."  

Nang marinig ito ng sampung mga alagad, nagalit sila sa magkapatid. Kaya't pinalapit sila ni Jesus at sinabi sa kanila, "Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil ay naghahari sa kanila, at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod. 

Ngunit hindi dapat ganyan ang umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo, tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at iaalay ang kanyang buhay upang matubos ang marami. 

No comments:

Post a Comment