Monday, June 5, 2023

Ang Mabuting Balita sa Hunyo 9, Biyernes ng Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 12:35-37


Mabuting Balita: Marcos 12:35-37
Noong panahong iyon, samantalang nagtuturo si Jesus sa templo, sinabi niya, "Paanong masasabi ng mga eskriba na ang Mesias ay anak ni David? Si David na rin, nang kasihan ng Espiritu Santo, ang nagpahayag ng ganito: 

'Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, maupo ka sa aking kanan, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.' Si David na rin ang tumawag sa kanya ng Panginoon; paano magiging anak ni David ang Mesias?" At nakinig na mabuti sa kanya ang maraming tao.

No comments: