Noong panahong iyon, ilang
Pariseo at ilang kampon ni Herodes ang pinapunta kay Jesus upang siluin siya sa
kanyang pananalita. Lumapit sila sa kanya at ang sabi, "Guro nalalaman po
naming kayo'y tapat at walang pinangingimian, sapagkat pareho ang pagtingin
ninyo sa lahat ng tao. At itinuturo ninyo kung ano ang kalooban ng Diyos sa mga
tao.
Naaayon po ba sa Kautusan ang pagbabayad ng buwis sa Cesar? Dapat ba kaming bumuwis o hindi?" Ngunit batid ni Jesus na sila'y nagkukunwari, kaya't sinabi niya sa kanila, "Bakit ba ibig ninyo akong siluin? Bigyan ninyo ako ng isang denaryo. Titingnan ko." At kanilang binigyan siya.
"Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit dito?" tanong ni Jesus. "Sa Cesar po," tugon nila. Sinabi ni Jesus, "Ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos." At sila'y namangha sa kanya.
No comments:
Post a Comment