Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, June 05, 2023

Ang Mabuting Balita sa Hunyo 6, Martes ng Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 12:13-17


Mabuting Balita: Marcos 12:13-17
Noong panahong iyon, ilang Pariseo at ilang kampon ni Herodes ang pinapunta kay Jesus upang siluin siya sa kanyang pananalita. Lumapit sila sa kanya at ang sabi, "Guro nalalaman po naming kayo'y tapat at walang pinangingimian, sapagkat pareho ang pagtingin ninyo sa lahat ng tao. At itinuturo ninyo kung ano ang kalooban ng Diyos sa mga tao. 

Naaayon po ba sa Kautusan ang pagbabayad ng buwis sa Cesar? Dapat ba kaming bumuwis o hindi?" Ngunit batid ni Jesus na sila'y nagkukunwari, kaya't sinabi niya sa kanila, "Bakit ba ibig ninyo akong siluin? Bigyan ninyo ako ng isang denaryo. Titingnan ko." At kanilang binigyan siya. 

 "Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit dito?" tanong ni Jesus. "Sa Cesar po," tugon nila. Sinabi ni Jesus, "Ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos." At sila'y namangha sa kanya.

No comments:

Post a Comment