Thursday, March 30, 2023

Ang Mabuting Balita sa Marso 31, Biyernes Ikalimang lingo ng Apatnapung Araw na Paghahanda: Juan 10:31-42


Mabuting Balita: Juan 10:31-42
Noong panahong iyon, ang mga Judio'y muling kumuha ng bato upang batuhin si Hesus. Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus,: "Maraming mabubuting gawa mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin ba sa mga ito ang dahilan at ako'y inyong babatuhin?" Sinagot siya ng mga Judio, "Hindi dahil sa mabuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos! 

Sapagkat nagpapanggap kang Diyos gayong tao ka lang." Tumugon si Jesus, "Hindi ba nasusulat sa inyong Kautusan, 'Sinabi ko, Mga diyos kayo'? Mga diyos ang tawag sa Kautusan sa mga pinagkatiwalaan ng salita ng Diyos, at hindi maaaring tanggihan ang sinasabi ng Kasulatan. 

Ako'y hinirang at sinugo ng Ama; paano ninyong masasabi ngayon na nilalapastangan ko ang Diyos sa sinabi kong ako ang Anak ng Diyos? Kung hindi ko ginawa ang ipinagagawa ng aking Ama, huwag ninyo akong paniwalaan. Ngunit kung ginagawa ko iyon, paniwalaan ninyo ang aking mga gawa, kung ayaw man ninyo akong paniwalaan. Sa gayon, matitiyak ninyong nasa akin ang Ama at ako'y nasa kanya." 

Tinangka na naman nilang dakpin siya, ngunit siya'y nakatalilis. Muling pumunta si Jesus sa ibayo ng Jordan, sa pook na noong una'y pinagbabautismuhan ni Juan. Nanatili siya roon, at maraming lumapit sa kanya. Sinabi nila, "Si Juan ay walang ginawang kababalaghan, ngunit totoong lahat ang sinabi niya tungkol sa taong ito." At doo'y maraming sumampalataya kay Jesus.

No comments: