Sapagkat nagpapanggap kang Diyos gayong tao ka lang." Tumugon si Jesus, "Hindi ba nasusulat sa inyong Kautusan, 'Sinabi ko, Mga diyos kayo'? Mga diyos ang tawag sa Kautusan sa mga pinagkatiwalaan ng salita ng Diyos, at hindi maaaring tanggihan ang sinasabi ng Kasulatan.
Ako'y hinirang at sinugo ng Ama; paano ninyong masasabi ngayon na nilalapastangan ko ang Diyos sa sinabi kong ako ang Anak ng Diyos? Kung hindi ko ginawa ang ipinagagawa ng aking Ama, huwag ninyo akong paniwalaan. Ngunit kung ginagawa ko iyon, paniwalaan ninyo ang aking mga gawa, kung ayaw man ninyo akong paniwalaan. Sa gayon, matitiyak ninyong nasa akin ang Ama at ako'y nasa kanya."
Tinangka na
naman nilang dakpin siya, ngunit siya'y nakatalilis. Muling pumunta si Jesus sa
ibayo ng Jordan, sa pook na noong una'y pinagbabautismuhan ni Juan. Nanatili
siya roon, at maraming lumapit sa kanya. Sinabi nila, "Si Juan ay walang
ginawang kababalaghan, ngunit totoong lahat ang sinabi niya tungkol sa taong
ito." At doo'y maraming sumampalataya kay Jesus.
No comments:
Post a Comment