Noong
panahong iyon, tinanong ni Hesus ang mga punong saserdote at matatanda ng
bayan: “Ano ang palagay ninyo rito? May isang tao na may dalawang anak na
lalaki. Lumapit siya sa nakatatanda at sinabi, ‘Anak, lumabas ka at magtrabaho
sa ubasan ngayon.’ ‘Ayoko po.’ tugon niya. Ngunit nagbago ang kanyang isip at
siya’y naparoon.
Lumapit din ang ama sa ikalawa at gayon din ang kanyang sinabi. ‘Opo’ tugon nito, ngunit hindi naman naparoon. Sino sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanyang ama?” “Ang nakatatanda po,” sagot nila. Sinabi sa kanila ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: ang mga publikano at masasamang babae’y nauuna pa sa inyong pasakop sa paghahari ng Diyos.
Sapagkat
naparito sa inyo si Juan at ipinakilala ang matuwid na pamumuhay, at hindi
ninyo siya pinaniwalaan. Ngunit pinaniwalaan siya ng mga publikano at ng
masasamang babae. Nakita ninyo ito, subalit hindi pa rin kayo nagsisi at
naniwala sa kanya.”
No comments:
Post a Comment