May pitong magkakapatid na lalaki.
Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. Napakasal sa balo ang
pangalawa, at namatay. Gayun din ang nangyari sa pangatlo hanggang sa pampito:
isa-isang napangasawa ng babae at pawang namatay na walang anak. Sa
kahuli-huliha’y namatay naman ang babae. Sa muling pagkabuhay, sino po sa pito
ang kikilalaning asawa niya yamang napangasawa niya silang lahat?”
Sumagot si Hesus, “Sa buhay na ito,
ang mga lalaki at mga babae’y nag-aasawa, ngunit ang mga lalaki’t babaing
karapat-dapat na muling buhayin para sa kabilang buhay ay hindi na mag-aasawa.
Hindi na sila mamamatay sapagkat matutulad sila sa mga anghel. At sila’y mga anak
ng Diyos yamang muli silang binuhay.
Maging si Moises ay nagpapatunay na muling binubuhay ang mga patay. Sapagkat sa kanyang kasaysayan hinggil sa nagliliyab na mababang punongkahoy, ang Panginoon ay tinawag niyang ‘Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.’ Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay – sa kanya’y buhay ang lahat.” Sinabi ng ilan sa mga eskriba, “Magaling ang sagot ninyo, Guro!” At wala nang nangahas na magtanong sa kanya ng anuman.
No comments:
Post a Comment