Noong
panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Tandaan ninyo:
malibang mahulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong
nag-iisa. Ngunit kung mamatay, ito'y mamumunga nang marami.
Ang
taong labis na nagpapahalaga sa kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, ngunit
ang napopoot sa kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon nito
hanggang sa buhay na walang hanggan. Dapat sumunod sa akin ang naglilingkod sa
akin, at saanman ako naroroon ay naroon din ang aking lingkod. Pararangalan ng
Ama ang sinumang naglilingkod sa akin."
No comments:
Post a Comment