kaya't hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao." Tinanong siya ng mga Pariseo, "Bakit iniutos ni Moises na bigyan ng lalaki ang kanyang asawa ng kasulatan sa paghihiwalay bago hiwalayan iyon?" Sumagot si Jesus, "Dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong asawa.
Subalit hindi gayon sa pasimula. Kaya sinasabi ko sa inyo: sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa sa anumang dahilan liban sa pakikiapid, at mag-asawa sa iba, ay nangangalunya. At ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya rin." Sinabi ng mga alagad, "Kung ganyan po ang kalagayan ng lalaki sa kanyang asawa, mabuti pang huwag nang mag-asawa." Sumagot si Jesus, "Hindi lahat ay makatatanggap ng simulaing iyan kundi iyon lamang pinagkalooban ng Diyos.
Sapagkat may
iba't-ibang dahilan kung bakit may lalaking hindi makapag-asawa; ang ilan,
dahil sa kanilang katutubong kalagayan; ang iba, dahil sa kagagawan ng ibang
tao ay nagkagayon sila; mayroon namang hindi nag-aasawa alang-alang sa
ikauunlad ng paghahari ng Diyos. Ang makatatanggap ng simulaing ito ay
tumanggap nito."
No comments:
Post a Comment