Noong
panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, "Ang paghahari ng Diyos ay
katulad din ng isang malaking lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng
sari-saring isda. Nang mapuno ay hinila ito sa pampang. At naupo ang mga tao
upang pagbukud-bukurin ang mga isda: tinipon nila sa mga sisidlan ang mabubuti,
ngunit itinatapon ang mga walang kwenta.
Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. Darating ang mga anghel at ihihiwalay ang mga makasalanan sa mga banal, at ihahagis ang mga makasalanan sa maningas na pugon. Doo'y mananangis sila at magngangalit ang kanilang ngipin."
"Nauunawaan
na ba ninyo ang lahat ng ito?" tanong ni Jesus. "Opo," sagot
nila. At sinabi niya sa kanila, "Kaya, nga ang bawat eskriba na kumikilala
sa paghahari ng Diyos ay tulad ng isang puno ng sambahayan na kumukuha ng mga
bagay na bago at luma sa kanyang taguan."
Nang masabi
na ni Hesus ang mga talinghagang ito, siya’y umalis doon.
No comments:
Post a Comment