Please join My Reflections' Facebook Group

Wednesday, July 27, 2022

Ang Mabuting Balita sa Hulyo 28, Huwebes sa Ika-17 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 13:47-53


Mabuting Balita: Mateo 13:47-53
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, "Ang paghahari ng Diyos ay katulad din ng isang malaking lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng sari-saring isda. Nang mapuno ay hinila ito sa pampang. At naupo ang mga tao upang pagbukud-bukurin ang mga isda: tinipon nila sa mga sisidlan ang mabubuti, ngunit itinatapon ang mga walang kwenta.  

Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. Darating ang mga anghel at ihihiwalay ang mga makasalanan sa mga banal, at ihahagis ang mga makasalanan sa maningas na pugon. Doo'y mananangis sila at magngangalit ang kanilang ngipin."  

"Nauunawaan na ba ninyo ang lahat ng ito?" tanong ni Jesus. "Opo," sagot nila. At sinabi niya sa kanila, "Kaya, nga ang bawat eskriba na kumikilala sa paghahari ng Diyos ay tulad ng isang puno ng sambahayan na kumukuha ng mga bagay na bago at luma sa kanyang taguan."

Nang masabi na ni Hesus ang mga talinghagang ito, siya’y umalis doon.

No comments:

Post a Comment