Thursday, May 26, 2022

Ang Mabuting Balita Mayo 27 Biyernes sa Ika- 6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 16:20-23


Mabuting Balita: Juan 16:20-23
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo: tatangis kayo at magdadalamhati, ngunit magagalak ang sanlibutan. Matitigib kayo ng kalungkutan, subalit ito'y magiging kagalakan. Kapag nagdaramdam na ang isang babaing manganganak, siya'y nahahapis, sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghihirap.  

Ngunit pagkapanganak, hindi na niya naaalaala ang hirap; siya'y nagagalak dahil sa ipinanganak na sa sanlibutan ang isang sanggol. Gayon din naman kayo: nalulumbay kayo ngayon, ngunit muli akong makikipagkita sa inyo at mag-uumapaw sa puso ninyo ang kagalakang hindi maaagaw ninuman.  

"Hindi na kayo kailangang magtanong sa akin sa araw na iyon. " Tandaan ninyo: anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo.

No comments: