Sunday, May 22, 2022

Ang Mabuting Balita Mayo 24 Martes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 16:5-11


Mabuting Balita: Juan 16:5-11
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: 5 Ngayon nama’y papunta ako sa nag­­padala sa akin, at wala sa inyong nag-ta­tanong sa akin kung saan ako pa­punta, 6 kundi tigib ng lungkot ang inyong puso dahil sinabi ko sa inyo ang lahat ng ito.   

7 Ngunit sinasabi ko sa inyo ang kato­tohanan: makabubuti sa inyong ako’y umalis sapagkat kung hindi ako aalis. hinding-hindi darating sa inyo ang Tagapagtanggol. Kung aalis naman ako, ipadadala ko siya sa inyo. 8 At pagdating niya, hihiyain niya ang mundo tungkol sa kasalanan, sa daan ng pagkamatuwid at sa paghatol.   

9 Ito ang kasalanan: hindi sila nana­nalig sa akin. 10 Ito ang daan ng pagka­matuwid: sa Ama ako papunta, at hindi na ninyo ako mapapansin. 11 At hina­tulan na ang pinuno ng mundong ito: ito ang paghatol. 

No comments: