Sunday, October 24, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 25 Lunes sa Ika 30 na Linggo ng Taon: Lucas 13:10-17


Mabuting Balita: Lucas 13:10-17
10 Nagtuturo si Jesus sa isang sinagoga sa Araw ng Pa­hinga, 11 at may isang babae roon. Labingwalong taon na siyang may espiritung nagbibigay-sakit; nagkaka­kandakuba na siya at di makatingala. 12 Pag­ka­kita sa kanya ni Jesus, tinawag siya nito at sinabi: “Ba­bae, lumaya ka sa iyong sakit.” 13 Ipinatong nito sa kanya ang mga kamay at agad na nakatayo nang tuwid ang babae at nagpuri sa Diyos. 

14 Nagalit ang pangulo ng sinagoga dahil nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pahinga kaya sinabi niya sa mga tao: “May anim na araw para magtrabaho kaya sa mga araw na iyon kayo puma­rito para mapagaling, hindi sa Araw ng Pa­hinga!” 

15 Sinagot siya ng Panginoon: “Mga mapag­kunwari, hindi ba kinakalagan ng bawat isa sa inyo ang kanyang baka o asno mula sa sabsaban nito sa Araw ng Pahinga at inilalabas para painumin? 16 At isang babae naman ang narito na anak ni Abraham na labingwalong taon nang iginapos ni Satanas. Di ba siya dapat kalagan sa Araw ng Pahinga?” 

17 Napahiya ang lahat niyang kalaban pag­karinig sa kanya pero nagalak naman ang mga tao sa lahat ng kahanga-hangang gina­gawa ni Jesus. 

No comments: