14 Nagalit ang pangulo ng sinagoga dahil nagpagaling si Jesus sa Araw
ng Pahinga kaya sinabi niya sa mga tao: “May anim na araw para magtrabaho kaya
sa mga araw na iyon kayo pumarito para mapagaling, hindi sa Araw ng Pahinga!”
15 Sinagot siya ng Panginoon: “Mga mapagkunwari, hindi ba
kinakalagan ng bawat isa sa inyo ang kanyang baka o asno mula sa sabsaban nito
sa Araw ng Pahinga at inilalabas para painumin? 16 At isang babae naman ang narito na anak ni Abraham na
labingwalong taon nang iginapos ni Satanas. Di ba siya dapat kalagan sa Araw ng
Pahinga?”
17 Napahiya ang lahat niyang kalaban pagkarinig sa kanya pero nagalak naman ang mga tao sa lahat ng kahanga-hangang ginagawa ni Jesus.
No comments:
Post a Comment