6 Kaya kasama nilang pumunta si Jesus. Nang hindi na siya kalayuan sa bahay, nagpapunta naman sa kanya ng mga kaibigan ang kapitan para sabihin: “Ginoo, huwag ka nang mag-abala pa; hindi nga siguro ako karapat-dapat para tumuloy ka sa aking bahay. 7 Kaya hindi ko man lang inakalang nararapat akong lumapit sa iyo. Mag-utos ka lang at gagaling na ang aking katulong. 8 Mababa nga lang ang ranggo ko pero may mga sundalo sa ilalim ko. At kung iutos ko sa isa, ‘Umalis ka,’ umaalis siya; at sa iba naman, ‘Halika,’ at pumaparito siya. At pag sinabi kong ‘Gawin mo ito,’ sa aking katulong, ginagawa nga niya ito.”
9 Humanga si Jesus pagkarinig niya nito. Lumingon siya
sa mga sumusunod sa kanya at sinabi: “Sinasabi ko sa inyo, sa Israel ma’y hindi
ko natagpuan ang ganitong pananalig!” 10 At nang magbalik sa
bahay ang mga sinugo, natagpuan nilang magaling na ang katulong.
No comments:
Post a Comment