Monday, June 7, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 7, Lunes sa Ikasampung Linggo ng Taon: Mateo 5:1-12

 

Mabuting Balita: Mateo 5:1-12
Nang makita ni Jesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo siya roon at lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad.

At nag­simula siyang magturo sa kanila:

“Mapapalad ang mga may diwa ng dukha sapagkat sa kanila ang Kaha­rian ng Langit.

Mapapalad ang mga nagluluksa sapagkat pagiginhawahin sila.

Mapapalad ang mga di-marahas sa­pagkat mapapasakanila ang lupain.

Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katarungan sapagkat bubu­sugin sila.

Mapapalad ang mga maawain sapagkat kaaawaan sila.

Mapapalad ang mga may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos.

Mapapalad ang mga nagpupun­yagi para sa kapayapaan sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos.

10 Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang Kaharian ng Langit.

11 Mapapalad kayo kung iniinsulto kayo at pinag-uusig at sinisiraang-puri dahil sa akin. 12 Magsaya kayo at maga­lak sa­pagkat malaki ang gantim­palang nasa Diyos para sa inyo. Ganito rin pinag-usig ang mga propetang nauna sa inyo.

No comments: