Friday, June 4, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 4, Biyernes sa Ikasiyam na Linggo ng Taon: Marcos 12:35-37


Mabuting Balita: 
Marcos 12:35-37
35 Sa pagtuturo ni Jesus sa Templo, sinabi niya: “Ano’t sinasabi ng mga guro ng Batas na anak ni David ang Mesiyas? 36 Sinabi nga ni David nang kasihan siya ng Espiritu Santo: ‘Ang sabi ng Pa­ngi­noon sa aking Pangi­noon: Umupo sa aking kanan hang­gang ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa.’ 

37 Kung tinatawag siya ni David mismo na Panginoon, puwede bang anak siya ni David?” Nasisiyahan ang bayan sa pakikinig sa kanya.

No comments: