1 Pagkababa
ni Jesus mula sa bundok, maraming tao ang sumunod sa kanya. 2 Lumapit
sa kanya ang isang may ketong, at paluhod na nagsabi: “Ginoo, kung gusto mo,
mapalilinis mo ako.” 3 Iniunat ni Jesus ang kanyang kamay,
hinipo siya at sinabi: “Gusto ko, luminis ka!”
Nang oras ding
iyo’y gumaling ang lalaki sa kanyang ketong. 4 At sinabi ni Jesus sa
kanya: “Mag-ingat ka, huwag mong sasabihin ito kanino man, kundi pumunta ka sa
pari para suriin ka niya at ialay ang handog na iniutos ni Moises upang
magkaroon sila ng patunay.”
No comments:
Post a Comment