Monday, May 3, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 3 San Felipe at San Santiago mga apostol (Kapistahan): Juan 14:6-14


Mabuting Balita: Juan 14:6-14
Noong panahong iyon sinabi ni Jesus kay Tomas: “Ako siyang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang nakalalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Kung kilala ninyo ako, makikilala rin ninyo ang aking Ama. Ngunit ngayon, kilala n’yo na siya at nakita ninyo siya.” 

Sinabi sa kanya ni Felipe: “Pangi­noon, ipakita mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” Sinabi sa kanya si Jesus: “Ang tagal na panahon n’yo akong kasa­ma at hindi mo pa ako kilala, Felipe? Sa pag­ka­kita sa akin ninu­man, ang Ama ang naki­kita niya. Paano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama’? 

10 Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang  mga salitang bini­bigkas ko. Sa akin nanu­nuluyan ang Ama, at siya ang guma­gawa ng kanyang mga gawa. 11 Mani­wala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa. 

12 Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa rin ng nananalig sa akin ang gawang ginawa ko; at mas dakila pa kaysa mga ito ang gagawin niya. Sapagkat sa Ama ako papunta. 13 Anu­mang hingin n’yo sa Pangalan ko’y gaga­win ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. 14 At kung may hingin kayo sa akin sa Pangalan ko, gagawin ko.

No comments: