Friday, April 16, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Abril 17 Sabado sa Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 6:16-21


Mabuting Balita: Juan 6:16-21
16 Nang magtakipsilim na, lumu­song sa aplaya ang kanyang mga alagad, 17at pag­ka­sakay sa bangka ay nagpaka­bilang-ibayo ng dagat pa-Capernaum. Dumilim na at wala pa sa kanila si Jesus: 18 at magalaw ang dagat sa mala­kas na ihip ng hangin.  

19 Pagkasagwan nila nang may lima o anim na kilometro, napansin nilang naglalakad si Jesus sa dagat at palapit sa bangka. Nasindak sila. 20 Ngunit sinabi niya sa kanila: “Ako siya; huwag kayong ma­takot.” 21 Nang isasakay na nila sa bangka, bigla namang nasa pampang na na pupuntahan nila ang bangka.

No comments: